Panalangin para sa halalan, inilabas ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,839 total reads

Nagsagawa ng Lakad Pangasinan para sa Halalan ang Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan at PPCRV – Lingayen-Dagupan upang panalangin ang nalalapit na 2025 Midterm National and Local Elections sa bansa.

Layunin ng gawain na isinagawa ngayong ikatlo ng Mayo, 2025 sa Metropolitan Cathedral of Saint John the Evangelist na maipakita ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa pananalangin at paghingi ng paggabay ng Panginoon para sa nakatakdang halalan sa ika-12 ng Mayo, 2025.

Bahagi rin ng layunin ng Unity Prayer and Walk for Clean, Honest, Accountable, Meaningful and Peaceful Elections ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan ang ipanalangin ang lahat ng mga PPCRV volunteers na maglilingkod bilang tagapag-bantay ng Simbahan sa pagtiyak ng malinis, matapat, makatotohanan, makabuluhan at mapayapang halalan sa bansa.

Una na ring hinikayat ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang bawat isa na ipanalangin ang papalapit na pambansa at panglokal na halalan upang tunay na maghari ang kalooban ng Diyos para sa bansa.

Kabilang sa panalangin ng Arsobispo ang paggabay ng Panginoon sa bawat botante upang makapili at makapaghalal ng mga tunay na lingkod bayan na ganap na maglilingkod at magsisilbi para sa kapakanan at kabutihan ng sambayanan.

PANALANGIN PARA SA HALALAN
by Archbishop Socrates B. Villegas, DD.

Manalangin tayo upang sa papalapit na pambansa at panglokal na halalan ay tunay na maghari ang kalooban ng Diyos, na Siyang gumagabay sa lahat ng bansa.
Sama-sama nating idalangin: Ipag-adya mo kami, Panginoon.
Mula sa pamimilit, pananakot, karahasan, at terorismo,
Mula sa panloloko, pagsisinungaling, at pagbaluktot sa katotohanan
Mula sa panunuhol, kasakiman, at sabwatan upang makapandaya,
Mula sa kawalang-muwang sa panlilinlang at makitid na pananaw
Mula sa pagbabanta, pananakot, at lapastangang pananalita,
Tagapamuno: Sama-sama nating idalangin:Dinggin Mo kami, Panginoon.
Upang ang aming budhi ang siyang gawing tunay na pamantayan,
Upang ang kabutihan ng nakararami ang aming pinakamataas na layunin,
Upang ang dignidad ng tao ay palagiang igalang,
Upang ang kapos-palad at mahihina ay pag-ukulan ng higit na pansin,
Upang ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi ipagwalang-bahala,
Upang ang pagkakaisa ay magbigay-daan sa landas ng kapayapaan at kaunlaran,
Upang ang banal na pagkatakot sa Diyos at pag-ibig sa kapwa ang maging gabay ng mga nagnanais manungkulan sa pamahalaan,
Manalangin tayo.
Pastol ng aming kaluluwa at Tagapagligtas ng sanlibutan, ang pulitika ay Iyong kaloob sa amin; isang paanyaya upang maglingkod sa iba at lumago sa kabanalan. Gabayan Mo ang pulitika sa aming bansa katulad ng pag-gabay mo sa amin. Nawa ang aming pulitikal na pakikilahok para sa mga botante at kandidato ay magdulot ng kaluwalhatian sa Iyong mahal na ngalan at matulungan din kaming yumabong sa kabutihan, ngayon at magpasawalang hanggan.

Amen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,002 total reads

 49,002 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,703 total reads

 128,703 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,150 total reads

 162,150 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,448 total reads

 197,448 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,065 total reads

 422,065 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top