Ipanalo sa Kristo sa 2025 midterm elections, hamon ng CMSP sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,366 total reads

Sa nalalapit na pambansa at lokal na halalan ngayong Lunes, nanawagan si Fr. Angel Cortez, OFM, Co-executive Secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), sa mga mananampalataya na suriing mabuti ang kanilang mga iboboto at piliin ang mga kandidatong tunay na nagsusulong ng kabutihan, katotohanan, at katarungan.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ni Fr. Cortez ang paulit-ulit na siklo ng pagboto sa mga tiwaling pulitiko. “Lagi nating sinasabi na gutom tayo sa gobyernong tapat, sa isang gobyernong makatotohanan, pero ang binoboto naman natin yung mga corrupt, ang binoboto natin sila-sila pa rin,” aniya.

Ipinunto rin niya ang kawalang-pagbabago sa politika ng bansa dahil sa paulit-ulit na pagluklok sa mga pamilyang kabilang sa dinastiyang politikal. “Sinabi natin uhaw tayo sa isang pamahalaang mabuti. Pero binoboto natin pamilyang dinastiya pa rin. Sila-sila pa rin ang apelyido, hindi na nagbabago mula sa lolo hanggang sa kaapo-apuhan.”

Nanawagan si Fr. Cortez sa mga botante na alalahanin ang kanilang pananampalataya at isabuhay ito sa pagboto. “Tanungin natin ang ating sarili: kung tayo ay gutom sa hustisya, kung tayo ay uhaw sa pamamalakad ng tapat at mabuti, boboto pa ba ako ng corrupt? Boboto pa ba ako ng makasarili? Boboto pa ba ako ng sinungaling?”

Hinimok rin niya ang mga mananampalataya na huwag lamang iboto ang mga kilalang pangalan, kundi bigyan din ng pagkakataon ang mga kandidatong maaaring hindi sikat ngunit may tunay na malasakit sa bayan. “Sapagkat kung nais nating pakainin lahat, isipin din natin na marami ring pwedeng mamuno, kaya lang hindi sila kilala.”

Tinuligsa rin ng pari ang ilang kasapi ng Simbahan na nagdarasal para sa malinis na halalan ngunit lantaran namang sumusuporta sa mga tiwaling politiko. “Tayo po sa simbahan minsan hilaw yung ating pananaw… sumusuporta sa mga pamilyang corrupt… kaya ugatin natin kung ano ba ang tunay nating kagutuman at kauhawaan.”

Sa huling bahagi ng homiliya, nanalangin si Fr. Cortez para sa paggabay ng Espiritu Santo sa mga botante. “Ipanalangin natin sa Panginoon: tulungan nyo po kaming mapawi ng inyong katawan at dugo ang sistema ng gobyerno na mayroon ngayon. Ipadala nyo po ang Espiritu Santo na bumoto ng tama, tapat, at matalino ang bawat Filipino.”

Binigyang-diin niyang ang pagboto ay isang sagradong gawain na may pangmatagalang epekto. “Ang gagawin natin sa Lunes ay Sagrado. Pero ang epekto, tatlo, anim na taon at pangmatagalan pa para sa kinabukasan ng ating bayan.”

Muling paalala ni Fr. Cortez, “Hindi ang ayuda, hindi ang panunuhol, at hindi ang pagbili ng boto ang dapat tanggapin. Ipanalo natin si Kristo, ipanalo natin ang hustisya at katotohanan. Bumoto tayo ng tapat at may pananampalataya.”

RCAM, magsasanay ng emergency management

 19,288 total reads

 19,288 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 19,415 total reads

 19,415 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 35,124 total reads

 35,124 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 91,530 total reads

 91,530 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 215,031 total reads

 215,031 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 298,695 total reads

 298,695 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 19,289 total reads

 19,289 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 19,416 total reads

 19,416 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top