Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,620 total reads

Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo Papa) ng mahigit sa 1.4-bilyong katoliko sa buong mundo kapalit ng reformist na si Pope Francis ngayong ika-7 ng Mayo 2025, at ang Ang 2025 midterm national at local election sa ika-12 ng Mayo, 2025. Ang dalawang kaganapang ito Kapanalig, ang magtatakda ng kinabukasan.

Makasaysayan ang Conclave sa ating mga Pilipino hindi lamang dahil tayo ay pre-dominantly catholic country, kundi ang ating kapwa Pilipino na si Luis Antonio Cardinal Tagle ay isa sa mga Papabili na malakas na contender na maging Santo Papa.

Sa kabilang banda, ang magiging resulta ng 2025 midterm election sa ika-12 ng Mayo ay mayroong direktang impak sa buhay nating mga Pilipino base sa kanilang mga pagiging polisiya sa loob ng tatlong taon na siya namang huhulma sa magiging resulta ng 2028 Presidential election.

Hindi po masamang manalig at mangarap na ang ating kababayan na si Cardinal Tagle ang pipiliin ng Conclave na maging Santo Papa.Kung ito ay God’s will, isa itong malaking karangalan sa ating mga Pilipino.

Kapanalig, ibinahagi ni Cardinal elector Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa kanyang facebook na ang bawat isa sa 133-Cardinal elector ay manunumpa bago pumili ng Santo Papa na isinalin sa salitang English “I call as my witness Christ the Lord, who will be my judge, that my vote is given to the one who, before God, I believe should be elected.”

Ibig sabihin Kapanalig, ang bawat Cardinal ay pipili ng nararapat na maging pinuno ng Catholic Church sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin at pagninilay.. sa huli ang magiging resulta ng conclave ay God’s will. Sa kanyang facebook post, ibinahagi ni Cardinal David ang katanungang.., imagine if every Filipino voter can say the same oath before casting his/her vote in the coming elections?

Nakakalungkot lamang Kapanalig ang katotohanan, tayong mga botanteng Pilipino ay hindi natin binibigyang halaga ang ating katungkulan bilang botante katulad ng solemn spiritual reflection ng mga Cardinal electors sa paghalal ng Santo Papa.

Nakakadismaya Kapanalig base sa resulta ng mga naglalabasang survey na ang 12-nangungunang Senatoriables ay dominado ng mga artista, mga taong kuwestiyunable ang integridad at kakayahan na ang puhunan lamang ay kilala at pamilyar sa mga botante ang kanilang pangalan. Sa local level, namamayagpag pa rin ang political dynasties na isang reyalidad na kanilang ginawa ang pulitika na isang “family business” upang lalong magkamal ng kayamanan at kapangyarihan.Marami sa ating mga botanteng Pilipino ay nawalan na ng pag-asa sa nalalapit na 2025 midterm election dahil lalung nalulugmok at nababaon ang ating bansa.

Sana Kapanalig, umaasa tayo na ang magiging resulta ng Conclave ay mai-impluwensiyahan pa ang ating electoral process sa ika-12 ng Mayo, 2025…Ipinagdarasal natin na matatauhan tayong mga Pilipinong botante upang magkaisa, magkaroon ng spiritual renewal at tuluyang maiwaksi ang ating nakagawiang sumunod sa agos…Nawa, mapagtanto natin ang bumoto ng karapat-dapat na kandidato ay isantabi ang mga hindi karapat-dapat.

Hindi kaya napapanahon na Kapanalig na ilagay sa election rules ang qualification requirement sa sinumang nagnanais na mamuno sa ating mga Pilipino upang maalis na ang estado ay pinapatakbo ng political dynasties, walang alam at mga komedyante.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 17,784 total reads

 17,784 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 30,311 total reads

 30,311 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 146,090 total reads

 146,090 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 266,669 total reads

 266,669 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 315,276 total reads

 315,276 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Usapang klima

 30,312 total reads

 30,312 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 146,091 total reads

 146,091 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 266,670 total reads

 266,670 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »
Scroll to Top