Arsobispo, dismayado sa pananaig ng political dynasties sa 2025 midterm election

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,362 total views

Nagpapasalamat ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa lahat ng mga aktibong nakilahok at tumulong sa katatapos lamang na araw ng halalan kabilang na ang mga kabataan.

Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth, mahalagang kilalanin ang aktibong partisipasyon ng mga botante at nang lahat ng mga tumulong sa pangangasiwa sa kabuuang proseso ng halalan sa bansa.

Paliwanag ng Arsobispo, ang halalan ay isang paraan ng pagtataguyod sa bansa kaya naman sadyang kinakailangan ng mga handang magsakripisyo at magbahagi ng kanilang panahon at lakas upang matiyak ang kaayusan, katapatan at kapayapaan ng halalan.

“Pasasalamat sa lahat ng nakilahok at tumulong sa Halalan. Ang pagtataguyod ng bansa ay nangyayari hindi lamang sa isang eleksyon, bagkus sa bawat eleksyon. Kaya sana huwag tayong mapapagod magsakripisyo at mag-ambag bawat eleksyon.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Alarcon sa Radyo Veritas.

Dismayado naman si Archbishop Alarcon sa patuloy na pananaig ng political dynasty sa bansa kung saan mas higit na nananaig ang pansariling interes ng mga pamilya at angkan sa posisyon at kapangyarihan sa pamahalaan.

Giit ng Arsobispo, dapat na tandaan ng bawat isa na mas matimbang ang konkretong paggawa at pagpapamalas ng tunay na serbisyo publiko kumpara sa anumang pangako ng sinumang mga kandidato.

“Nakakalungkot lang na tila hindi na kultura ng paglilingkod at pag-ambag ang nananaig, kundi ng personal na interes o interes ng grupo o pamilya. Let us remember: one concrete good act is of much more value than a thousand promises.” Dagdag pa ni Archbishop Alarcon.

Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) 63% sa mahigit 69.6 na milyong mga rehistradong botante ang mga maituturing na kabataan na kinabibilangan ng mga Gen Z at Millennials na nasa eedad 18-taong gulang hanggang 44-taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 26,694 total views

 26,694 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 55,045 total views

 55,045 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 122,775 total views

 122,775 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 145,926 total views

 145,926 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 214,154 total views

 214,154 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top