Bishop Uy, pinasalamatan ang local government sa ginawang post election cleanup

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,010 total views

Nagpaabot ng pasasalamat si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa inisyatibo at dedikasyon ng Tagbilaran City Government na magsagawa ng post-election cleanup kasunod ng katatapos lamang na 2025 Midterm National and Local Elections.

Ayon sa Obispo, nawa ay maging inspirasyon ang inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Tagbilaran sa iba pang mga karating na lugar at sa buong bansa upang pangunahan ang pangangasiwa sa muling pagsasaayos ng kalinisan at kaayusan ng pamayanan matapos ang naganap na halalan.

Ipinaliwanag ni Bishop Uy na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat kasapi ng lipunan ay matitiyak ang pagkakaroon ng ligtas, malinis, malusog, masagana at maunlad na lipunan.

“A heartfelt thank you to the Tagbilaran City Government for your dedication in carrying out post-election cleanup. Your initiative serves as an inspiring example for other towns and cities across the Philippines to follow. By working together through such collective efforts, we can create a healthier, cleaner, and more sustainable nation for all. Let’s continue partnering towards a brighter and better future!” Bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Unang binigyang diin ng Obispo na kaakibat ng patuloy na paninindigan ng Simbahan para sa pangangalaga sa kalikasan ang pagsusulong ng malinis at responsableng pamamahala sa bansa.

Kaugnay nito sa tala ng environment watchdog na Ecowaste Coalition, noong 2016 national elections umabot sa 206 na toneladang basura ang nakolekta, nasa 200 toneladang basura naman noong 2019 midterm elections habang noong 2022 national elections ay tumaas ito ng halos 20% na umabot sa 254 na toneladang basura.

Samantala sa kasalukuyan sa Kalakhang Maynila batay sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), umaabot na sa mahigit 11 tonelada ng basura ang nakolekta sa National Capital Region pa lamang mula noong araw ng halalan na kinabibilangan ng iba’t ibang campaign materials na ginamit sa pangangampanya ng mga kandidato sa nakalipas na eleksyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 20,738 total views

 20,738 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 43,890 total views

 43,890 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 114,004 total views

 114,004 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 188,618 total views

 188,618 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 267,206 total views

 267,206 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 4,578 total views

 4,578 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top