Aktibong pakikilahok ng kabataan sa 2025 midterm election, kinilala ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,038 total reads

Nagpahayag ng pagkilala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga kabataang aktibong nakilahok sa katatapos na 2025 Midterm National and Local Elections.

Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth, nakapagbibigay pag-asa para sa kinabukasan ng bayan ang masiglang pakikibahagi ng mga kabataan sa eleksyon na indikasyon ng pagiging isang mabuting mamamayan at pagsusulong ng pagpapahalaga at pagmamalasakit sa bayan.
Ito ang mensahe ng Arsobispo matapos na ibahagi ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia, na ang mataas na voter turnout sa nakilapas na halalan ay dahil sa masiglang partisipasyon ng kabataan.

Umaasa naman si Archbishop Alarcon na tuwinang isaalang-alang ng mga kabataan ang kapakanan ng bayan sa pamamagitan ng patuloy na pangangarap at pagsusumikap na maging mabuting kasapi ng pamayanan.

“Maraming salamat sa mga kabataan na nakilahok sa Midterm Elections. Nakapagbibigay pag-asa ang inyong pakikilahok. Good Citizenship, wika natin, ito ay pagpapahalaga, pagpapakita ng malasakit sa bayan. Sana ay patuloy nating isaalang-alang ang kapakanan ng nakararami ng bayan. Patuloy tayong mangarap at magsipag para sa bayan at para sa ating mga pamayanan.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Alarcon sa Radyo Veritas.

Nanawagan naman ang Arsobispo sa bawat kabataan na sa kabila ng pagtatapos ng halalan ay patuloy pa ring makisangkot at makibahagi sa pagsusulong ng pagbabago at pag-unlad sa bayan lalo na para sa kapakanan ng mga mahihirap at maliliit na kasapi ng lipunan.

“Panalangin at pakiusap sa mga kabataan na pagkatapos ng Eleksyon/Halalan, patuloy tayong makilahok at mag-ambag para sa pagbabago tungo sa pag-unlad, lalo na para sa mga maliliit at mahihirap -para sa lahat. Pagpalain ang mga kabataan.” Dagdag pa ni Archbishop Alarcon.

Bilang spiritual director naman ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay nanawagan si Archbishop Alarcon sa mga kabataan na makibahagi sa patuloy na isinasagawang pagsusuri ng PPCRV sa katapatan ng resulta ng nagdaang halalan sa pamamagitan ng pakikiisa sa ginagawang unofficial parallel count at manual audit sa PPCRV Command Center na matatagpuan sa PLDT Building sa Sampaloc, Manila.

“Isang panawagan din para sa mga kabataan na magvolunteer sa Command Center ng PPCRV. Patuloy pa ng gawain, nangangailangan pa ng volunteers.” Ayon pa kay Archbishop Alarcon.
Naitala ng Commission on Elections (COMELEC) ang pinakamataas na voter turnout sa kasaysayan ng midterm elections sa Pilipinas ngayong taon na umabot sa 81.65% kung saan sa kabuuan mahigit 55.87-million na botante ang bumoto mula sa naitalang 68.43-million na rehistradong botante ngayong taon.

Una ng inihayag ng COMELEC na 63% sa halos 69-na milyong mga rehistradong botante ang maituturing na kabataan na kinabibilangan ng mga Gen Z at Millennials na nasa eedad 18-taong gulang hanggang 44-taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 23,477 total reads

 23,477 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 46,503 total reads

 46,503 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 83,003 total reads

 83,003 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 303,627 total reads

 303,627 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 336,933 total reads

 336,933 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top