Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,724 total reads

Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng kampanya at eleksyon.

Ilang araw bago ang halalan, may kumalat sa social media na larawan ng dalawang pahinang sulat na pinalalabas na ineendorso ng mga obispo, sa pangunguna ni CBCP President Cardinal Ambo David, ang ilang kandidato sa pagkasenador. Karamihan sa kanila ay mula sa alyansang binuo ng kampo ni dating Pangulong Duterte at iba pang partido pulitikal. Para magmukha itong totoo, nakalagay ang sulat sa papel na may opisyal na letterhead at logo ng CBCP. 

Agad itong pinabulaanan ng CBCP at ng Diosesis ng Kalookan. Una sa lahat, hindi kailanman partisan ang Simbahan Katolika. Bilang isang institusyon, hindi ito dapat mag-endorso ng mga kandidato sa eleksyon. Iniiwan nito ang pagpapasya sa mga mananampalataya. Binibigyan lamang sila ng mga gabay sa pagpili ng kanilang iboboto. Ang mga prinsipyong ito ay nakabatay sa Banal na Kasulatan, sa mga Ebanghelyo, at sa mga panlipunang turo ng Santa Iglesia. Inuudyukan ang mga botanteng mananampalataya na laging isaalang-alang ang kabutihang panlahat o common good at ang dignidad at kapakanan ng tao. Naniniwala ang ating Simbahan na ang pagboto nang tama ay isang konkretong paraan ng pakikiisa natin sa pagtataguyod ng isang bayang patas, makatarungan, at mapayapa. Ang mga ito sana ang gumabay sa inyo, mga Kapanalig, noong nakaraang eleksyon.

Banta sa pulitikang nakasentro sa tao ang fake news.

Hindi maikakailang malaki ang impluwensya ng fake news sa ating pulitika ngayon, at kitang-kita natin ito noong huling eleksyon. Nakalulungkot na marami sa atin ang kulang ang kaalaman at kakayahang alamin kung totoo o hindi ang mga nababasa natin sa social media. Kapag nai-share natin ang mga ito, nagiging instrumento pa tayo ng panloloko sa ating kapwa. Sa mga susunod na panahon, asahan nating magiging mas mahirap suriin kung peke o hindi ang ating mga nababasa natin sa social media, lalo na’t mas gumagaling ang artificial intelligence (o AI). Magiging hamon din ito dahil marami sa ating mga kababayan, lalo na sa mga kabataan, ang limitado ang tinatawag na reading comprehension o hindi lubos na nauunawaan ang mga nababasa. 

Sa ibang bansa, itinuturing na cyber terrorists ang mga nagpapakalat ng fake news. Ito ang gustong sundan ng ating gobyerno, ayon sa Presidential Communications Office (o PCO). Para na nga raw salot ang misinformation at disinformation sa ating bansa. Andaming naloloko. Andaming napapaniwala. Andaming nauuto. Bago pa man umalma ang mga nangangambang baka mauwi ang planong ito ng PCO sa pagsupil sa ating kalaayang magpahayag, nilinaw ng ahensya na pinag-iisapang gamitin ang terminong cyber terrorist sa mga nagpapakalat ng fake news na may epekto sa pambansang seguridad at iba pang malalaking isyu sa bansa. Halimbawa nito ang mga fake news na may kinalaman sa eleksyon.

Dapat lamang na nakasandig ang eleksyon—at ang ating pulitika mismo—sa katotohanan. Kung mga kasinungalingan at panloloko ang nakaiimpluwensya sa pagpili natin ng ating mga lider, wala tayong maaasahang tapat na gobyerno. Kung naniniwala tayo sa fake news at ikinakalat pa ang mga ito, mawawalan tayo ng tiwala sa demokrasya. Tatanggapin na lang natin na ang pulitika ay agawan ng kapangyarihan sa halip na paggamit ng kapangyarihan para sa kabutihan at kaunlaran ng taumbayan. 

Mga Kapanalig, cyber terrorists man ang itawag sa mga nagpapakalat ng fake news o iba pang termino, sa huli, nasa mga kamay natin bilang mga mamamayan ang pagiging mapanuri at mapagkilatis sa mga nababasa natin sa social media. Huwag tayong matulad sa Israel noong panahon ni propetang Jeremias na “nandaraya sa [kanilang] kapwa [at] walang nagsasabi ng katotohanan.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 119,346 total reads

 119,346 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 195,158 total reads

 195,158 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 228,606 total reads

 228,606 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 263,905 total reads

 263,905 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 485,737 total reads

 485,737 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 119,347 total reads

 119,347 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 195,159 total reads

 195,159 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 228,607 total reads

 228,607 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 263,906 total reads

 263,906 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top