Cardinal Tagle, itinalaga ni Pope Leo XIV bilang bagong titular ng Albano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,562 total reads

VATICAN CITY — Itinalaga ni Pope Leo XIV si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle bilang bagong titular ng Diocese of Albano.

Ang Albano ay isa sa mga pangunahing suburbicarian sees ng Simbahang Katolika, na dati ring itinalaga sa Santo Papa bago mahalal bilang pinuno ng Vatican.

Si Cardinal Tagle, na nagsisilbing pro-prefect ng Dicastery for Evangelization, ang hahalili kay Pope Leo, dating kilala bilang Cardinal Robert Prevost — bilang Cardinal Bishop ng Albano.

Si Pope Leo ang unang humawak sa titulong ito mula Pebrero 2025, bago siya mahalal bilang Santo Papa.

Bago ang kanyang pagkahalal bilang Santo Papa, si Pope Leo ay nagsilbing Prefect ng Dicastery for Bishops sa ilalim ni Pope Francis.

Matatagpuan sa labas ng Roma, ang Diocese of Albano ay kabilang sa pitong suburbicarian sees na karaniwang itinatakda para sa mga Cardinal Bishop, ang pinakamataas na ranggo sa College of Cardinals.

Bago italaga sa Albano, nagsilbi si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang Cardinal Priest ng Simbahan ng San Felice da Cantalice sa Centocelle simula pa noong 2012.

Noong 2022, iniangat siya ni Pope Francis mula sa ranggong Cardinal Priest patungo sa ranggong Cardinal Bishop, kung saan nanatili siyang may kaugnayan sa parehong simbahan bilang kanyang titular church — isang simbahan na nagsisilbing simbolikong parokya ng isang cardinal bishop.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 33,888 total reads

 33,888 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 69,758 total reads

 69,758 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 123,593 total reads

 123,593 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 185,484 total reads

 185,484 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 253,224 total reads

 253,224 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 44,591 total reads

 44,591 total reads Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »
Scroll to Top