Adamson University, kaisa sa panawagan ng justice for Marihangin 10

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,155 total reads

Nakikiisa ang Adamson University sa panawagan ng katarungan para sa tinaguriang Marihangin 10–ang sampung kasapi ng katutubong Molbog sa Sitio Mariahangin, Bugsuk Island, Balabac, Palawan, na inaresto noong ika-15 ng Mayo.

Bilang isang Vincentian institution, mariing kinondena ng pamantasan ang kasong grave coercion na isinampa laban sa mga katutubo.

Giit ng Adamson University, ang pagtatanggol sa lupaing ninuno ay hindi krimen kundi karapatang itinataguyod sa ilalim ng Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA).

Hinimok ng pamantasan ang agarang pagsasantabi sa mga kasong walang batayan at ang pagtitiyak sa kaligtasan ng pamayanan.

Kaisa ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at iba pang faith-based institutions, nananawagan ang Adamson University na tumugon sa panawagan ng katarungan sa pamamagitan ng edukasyon, panalangin, adbokasiya, at konkretong pagkilos.

“To be Vincentian is to walk with the oppressed. To be Christian is to stand where Christ stood–in the margins, with the persecuted. We stand with the Marihangin 10,” giit ng Adamson University.

Una nang iginiit ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa pamahalaan at mamamayan na kilalanin at igalang ang karapatan ng mga katutubo, na ipinagtatanggol ang kanilang tahanan, kabuhayan, at kultura.

Matagal nang kinikilala ang Mariahangin bilang lupaing ninuno ng mga katutubong grupo, tulad ng Molbog at Cagayanen, ngunit sa mga nagdaang taon ay nagkaroon ng mga alitan kaugnay ng pang-aagaw ng lupa at mga usaping legal sa paninirahan ng mga katutubo sa kanilang lupain.

Tinatayang nasa 96 na pamilya ang naninirahan sa Sitio Mariahangin, kung saan 12 pamilya rito ang mga Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 106,190 total reads

 106,190 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 191,571 total reads

 191,571 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 255,410 total reads

 255,410 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 335,787 total reads

 335,787 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 413,836 total reads

 413,836 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 223,139 total reads

 223,139 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top