Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cathedral, dambana ng pag-asa at kinabukasan ng Santa Iglesia

SHARE THE TRUTH

 2,406 total views

Pinaalalahanan ni Jaro Archbishop Midyphil Billones ang mananampalataya na ang cathedral ay dambana ng pag-asa at kinabukasan ng kristiyanong pamayanan.

Sa misang pasasalamat sa paggunita ng pagtalaga sa Jaro Cathedral, ipinaliwanag ng arsobispo na hindi lamang National Shrine of Our Lady of the Candles ang cathedral kundi ito ang magiging gabay ng buong arkidiyosesis sa pagsasakatuparan ng misyon lalo na sa mga gawaing pastoral at pagmimisyon.

“The Cathedral is not only a national shrine, it is a shrine of our hopes, our vision, our mission, our struggles for the future, the cathedral must continue to be the primemover in terms of pastoral programs and evangelization,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Billones.

Binigyang diin ni Archbishop Billones na ang bawat kristiyanong kasapi ay may malaking tungkulin sa pagsasabuhay ng misyon sapagkat ang mga binyagan ang buhay na simbahang pinag-alayan ni Hesus ng buhay.

Hinimok ng arsobispo ang mamamayan na magkaisang kumilos ng may sigasig upang maisakatuparan ang mga hangarin ng arkdiyosesis sa pagpapalago ng pananampalataya at komunidad.
“Zeal means passion, energy and devotion; passion is to be seen in our presence in our achdiocesan celebrations for our cathedral is our mother church,” dagdag ng arsobispo.

Sa kasaysayan itinatag ang simbahan noong 1575 sa pangangasiwa ng mga Agustinong misyonero at nang maging diyosesis ang Jaro noong 1865 ginawa itong cathedral na itinalaga kay St. Elizabeth of Hungary ang kauna-unahang cathedral sa Pilipinas na nakatalaga sa kanyang pangalan.

Ang kasalukuyang istruktura ng simbahan ay mula pa noong 1874 sa pangunguna ni Bishop Mariano Cuartero ang kauna-unahang obispo ng Jaro bagamat napinsala ang simbahan sa malakas na lindol noong 1948 muli itong naisaayos taong 1956.

Taong 1951 nang gawing Archdiocese ang Jaro naitaas ang simbahan bilang metropolitan cathedral kung saan dito rin nakadambana ang mapaghimalang imahe ng Nuestra Señora de la Candelaria ang natatanging Marian image sa Pilipinas na kinoronahan ng santo papa nang bumisita sa bansa taong 1981 ang noo’y pinuno ng simbahan na si St. John Paul II.

Ang Jaro Cathedral din ay isa sa 34 na national shrines ng Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 69,403 total views

 69,403 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 81,943 total views

 81,943 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 104,325 total views

 104,325 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 123,911 total views

 123,911 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

“Not in Pangasinan. Not Anywhere Else!”

 18,493 total views

 18,493 total views Mariing tinutulan ng mga obispo ng Metropolitan of Lingayen–Dagupan ang planong pagtatayo ng isang nuclear power plant sa Western Pangasinan, na sakop ng

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top