Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 80,438 total views

Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam?

Ito po ay sitwasyon na nagbabadya ng matindi, lubhang panganib, hindi mapipigilang pagbabago sa pandaigdigang klima o pagbabago sa panahon. Dulot ito ng greenhouse gases na dulot ng lubhang pagsusunog ng fossil fuels tulad ng coal(uling), oil, gas.

Dahil sa nagbabagong panahon, nagdudulot ito ng matinding :sobrang init (heatwaves).,tagtuyot (drought), matinding pagbaha, pagguho ng lupa, matinding bagyo, hurricanes, at wild fires.
Sa Pilipinas nararanasan na natin ito.,sunod na malalakas na bagyo dala ng malalakas na hangin at matinding pagbaha kung saan bilyun-bilyong pisong ari-arian, imprastraktura at nawawasak. Ang malala, maraming buhay ang nawawala dahil sa ating kapabayaan sa kapaligiran. Tayong mga mamamayan ang pangunahing may likha ng climate crisis.

Pero Kapanalig, wala pa rin tayong pakialam… wala tayong takot sa trahedyang idudulot ng ating pagkukulang, sakunang idudulot ng ating walang habas na paglapastangan sa kapaligiran at likas na yaman ng bansa na sana’y nagbibigay ng proteksyon, nagbibigay ng pananggalang sa atin tuwing mayroong malalakas na bagyo.

Wala tayong pakialam sa laganap na illegal-logging, laganap na pagkakalbo sa mga kabundukan sa Pilipinas… Basta ang mahalaga sa atin ay konting kita., konting pera, konting ginhawa na ibinibigay ng mga negosyong sumisira sa ating kapaligiran.

Sa bansa halimbawa, kitang-kita natin nang lantaran ang walang habas na pagkakalbo sa mga kabundukan., pero wala pa ring tayong ginagawa. Ano bang budhi mayroon tayong mga Pilipino?o nilalang na tao? Hindi natin nagampanan ang responsibilidad na ini-atang ng panginoon., na maging mabuting katiwala ng sangnilikha.

Destructive mining, Kapanalig, ang Sierra Madre mountains na idineklarang pinakamalaking protected area sa buong Pilipinas. Ang Sierra Madre mountains ay ang pinakamalakas na pananggalang, nagpapahina sa lakas ng mga bagyong nagbabadya ng pinsala sa Luzon kabilang na ang Metro Manila. Ang Sierra Madre ay tahanan ng iba’t-ibang uri ng halaman at hayop., tahanan din ito ng mga iba’t-ibang tribu ng katutubo o Indegenous People.

Pero sa nakalipas na dekada, ang Sierra Madre na tinaguriang “back bone” ng Luzon ay unti-unting winawasak ng mga mining companies gayundin ng mga malalaking kumpanya tulad ng Kaliwa dam at ang pinakahuli ay pinsalang dulot ng destructive mining na ginagawa ng Dinapigue Mining Corporation.

Ikinatwiran ng DMC na ang kanilang malawakang mining operasyon ay mayroong basbas ng Mines and Geosciences Bureau at local na pamahalaan ng Dinapigue sa lalawigan ng Isabele at 80-porsiyento ng kanilang manggagawa ay mga lokal at mga katutubo.

Tulad ng dati, sino-sino ang may responsibilidad sa walang habas na pagkakalbo ng mga bundok (deforestation)? Sa sandaling magdudulot ng pagguho ng lupa, sa sandaling magdudulot ng ito ng matinding pagbaha, sino ang sisihin?

Sa encyclical na Laudato Si., umaapela ang namayapang Pope Francis sa lahat ng tao sa mundo. “I ask you, in the name of God, to defend Mother Earth”.

Sinasabi din Kapanalig ng Genesis 1:28“God blessed them and said to them, ‘Be fruitful and increase in number; fill the earth and subdue it. Rule over the fish in the sea and the birds in the sky and over every living creature that moves on the ground.’

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 209,948 total views

 209,948 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 240,171 total views

 240,171 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 266,816 total views

 266,816 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 361,789 total views

 361,789 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 369,206 total views

 369,206 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 209,949 total views

 209,949 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 240,172 total views

 240,172 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 266,817 total views

 266,817 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 361,790 total views

 361,790 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top