Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 134,037 total reads

The Filipino people have the right to know the truth!

Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi itong bastion ng soberenya ng mga Pilipino at naging guardian ng pambansang legislative process. Pero sa nakaraang mga taon, ang commitment ng Senado sa principles ng demokrasya, transparency at accountability ay unti-unti nang nakakalimutan… naisasantabi dahil sa pulitika.

Halimbawa nito, ang ginagawang “delaying tactics” ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pag-convene ng impeachment court at pagsisimula ng impeachment trial laban kay VP Sara Duterte na unang itinakda ng Senate President noong a-2 ng Hunyo, 2025. Bago ang nakatakdang petsa, mabilis na kumambiyo ang pangulo ng Senado., Muling itinakda ang pagko-convene ng impeachment court sa ika-11 ng Hunyo, 2025 dalawang araw na lamang bago mag-adjourn ang 19th Congress. Hindi ba halata ang galawan ni Escudero? Anuman ang magiging desisyon ng 19th Congress ay hindi ito maging hadlang sa 20th Congress na opisyal na magko-convene sa July 29,2025 matapos ang SONA ni PBBM sa July 28, 2025. Ibig kahit nagdesisyon ang 19th Congress na ituloy ang impeachment trial ay maari itong ibasura ng 20th Congress dahil uupong Senator judges ang mga kaalyadong Senador ni VP Sara. Ang urong-sulong na desisyon ni Escudero ay itinuturing ng mga kongresista na paglabag sa 1987 constitution o Saligang Batas ng Pilipinas.

Kapanalig, may kinakatakutan ba ang Senate President? Mayroong bang maimpluwensiyang tao na pumipigil kay Escudero na iharap sa impeachment trial ang bise-presidente ng bansa? Pakiusap ng taumbayan, huwag niyo na kaming lokohin Mr. Senate President, sinasadya mong i-delay ang impeachment trial… at kapag kapos na sa oras, tuluyan na itong mababasura! Katwiran ni Escudero kung bakit hindi ginagalaw ng Senado ang articles of impeachment dahil abala ang mga Senador sa top priority legislation na kailangang maisabatas bago ang mag-adjourn ang 19th Congress.

Kapanalig, itinuturing ni Sonny Africa ng IBON foundation ang delaying tactics ni Escudero na “neglect of duty at obstruction”. May inuuna ng mga Senador sa pamumuno ni Escudero ang panibagong batas sa buwis, lay-off ng mga kawani ng gobyerno, pa-pogi sa mga dayuhang mamumuhunan, muling pagpapalawig sa termino ng mga opisyal ng barangay at iba pang walang kabuluhang panukala.. Para sa mga Senador, mas importante ang Denatured Alcohol Tax., Rationalization of the Fiscal Mining Regime., Government Optimization Act., Amendments to the Foreign Investors’ Long-Term Lease Act.,Amendments to the Right-of-Way Act., Setting the Term of Office for Barangay Officials and Sangguniang Kabataan Members., E-Governance Act., Open Access in Data Transmission., Amendments to the Universal Health Care Act., Virology Institute of the Philippines., Judicial Fiscal Autonomy at Anti-POGO Act kaysa sa “forthwith”…ASAP o agarang paglilitis sa ikalawang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan na accountable sa pang-aabuso sa kapangpayarihan.

Bilang pinuno ng kapita-pitagang August chamber, tungkulin ni Escudero Kapanalig, na isa-alang-alang ang kapakanan ng mga Pilipino., manindigan sa katotohanan., sa kabutihan… huwag matakot sa bantang kudeta., huwag matakot maalis na Senate President…ang tunay na “Servant leader”, inaakap ang pinagsisilbihang mamamayan, nilalabanan ang masama, itinutuwid ang baluktot.

Kapanalig, isabuhay natin ang turo sa “Mark 10:42-45. “Jesus called them together and said, ‘You know that those who are regarded as rulers of the Gentiles lord it over them, and their high officials exercise authority over them. Not so with you. Instead, whoever wants to become great among you must be your servant, and whoever wants to be first must be slave of all. For even the Son of Man did not come to be served, but to serve, and to give his life as a ransom for many”.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 113,943 total reads

 113,943 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 190,059 total reads

 190,059 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 223,507 total reads

 223,507 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 258,806 total reads

 258,806 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 480,874 total reads

 480,874 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 113,944 total reads

 113,944 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 190,060 total reads

 190,060 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 223,508 total reads

 223,508 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 258,807 total reads

 258,807 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top