Obispo, dismayado sa Duterte Senators

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,748 total reads

Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte bago pa man umusad ang isinusulong na impeachment trial laban sa Bise Presidente.

Ito ang bahagi ng pahayag ng Obispo kaugnay sa kontrobersyal na impeachment laban sa pangalawang pangulo ng bansa.
Ayon kay Bishop Ayuban, ang hayagang pagpapahayag ng suporta sa akusado ng mga Senador na dapat na magsilbing hukom bago pa man gawin ang paglilitis ay maituturing na pagkiling ng mga ito taong dapat nilang litisin.

“When senators serving as judges publicly pledge support for the official on trial before hearing the evidence, they are, in effect, acting as defense advocates. In an impartial trial, judges cannot be the counsel for the defense at the same time.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Ayuban Jr.

Una ng iginiit ng Obispo na ang pagsasagawa ng Senado ng impeachment trial ay bahagi ng kanilang mandato at obligasyon sa ilalim ng Konstitusyon at hindi isang bagay na maari nilang pagdesisyonan ng taliwas sa nasasaad sa batas.

“To proceed with the trial FORTHWITH is not a matter of choice but a constitutional mandate; an obligation, not an option.” Ayon pa kay Bishop Ayuban.
Matatandaang matapos ang ilang oras na deliberasyon noong Martes ika-10 ng Hunyo, 2025 ay bumoto ang 18 senador pabor sa inihaing mosyon ni Sen. Alan Peter Cayetano na ibalik ang impeachment complaints ng bise presidente sa Kongreso.

Kabilang sa 18-senador na ito ay sina Cayetano, Ronald “Bato” dela Rosa, Bong Revilla, Imee Marcos, JV Ejercito, Bong Go, Loren Legarda, Robinhood Padilla, Jinggoy Estrada, Francis Tolentino, Joel Villanueva, Pia Cayetano, Lito Lapid, Cynthia Villar, Mark Villar, Juan Miguel Zubiri, Raffy Tulfo, at si Senate President Francis Escudero na siya ring impeachment presiding officer.
Samantala, tanging limang Senador naman ang hindi sumang-ayon sa nasabing mosyon na sina Sen. Koko Pimentel, Risa Hontiveros, Nancy Binay, Grace Poe, at Sherwin Gatchalian.

Una ng inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong Pebrero 5, 2025 ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na pinaboran ng 215 mambabatas kung saan kabilang sa mga kaso laban sa Bise Presidente ang paglabag sa Konstitusyon, pagtataksil sa tiwala ng publiko, pandarambong, katiwalian sa kaban ng bayan at iba pang mabibigat ng krimen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,897 total reads

 51,897 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 131,467 total reads

 131,467 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,914 total reads

 164,914 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 200,212 total reads

 200,212 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,673 total reads

 424,673 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top