Ituloy ang pilgrimage of hope, hamon ng Obispo sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,168 total reads

Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nagdulot ng pagpanibago sa mga kabataan ang National Youth Day.

Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, Chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Youth nawa’y sa pagbalik ng mga delegado sa kani-kanilang lugar ay maisabuhay at maibahagi ang mga bunga at aral sa pagtitipon ng mga kabataan.

Tinuran ng arsobispo na ang NYD ay isang paglalakbay kasama si Hesus na gumagabay at nagpapaningas sa pag-asa ng tao.

“As you move on, go home and return, may you bring that renewed spirit, may your encounter with Jesus transform you and may they see that little transformation that has happened in you and may you be an instrument of transformation in your families, communities and society,” pahayag ni Archbishop Alarcon sa Radio Veritas.

Batid ni Archbishop Alarcon ang pag-asa sa 8, 000 NYD delegates ayon na rin sa tema ng pagtitipon na ‘Rejoice in hope, endure in affliction, persevere in prayer.

Aniya napapanahong mapag-alab ang pag-asa ng tao lalo ngayong ipinagdiriwang ng Jubilee Year ng simbahan na nakatuon sa Pilgrims of Hope lalo’t patuloy ang pagbangon ng mumdo sa epekto ng pandemya at iba pang krisis.

“Let us continue this pilgrimage of hope, let us bring this joy which our world needs today, and many of our friends, members of our family, coworkers, they need the hope. We are pilgrims of hope let us bring back undying hope, courage, and perseverance,” dagdag ni Archbishop Alarcon.

Pinasalamatan ng arsobispo ang mga kabataang delegado na tumugon sa paanyayang magbuklod gayundin sa mga nangasiwang matagumpay na naisakatuparan ang NYD Caceres 2025 kabilang na ang Commission on Youth, foster families and parishes na kumanlong sa mga delegado.

Kabilang sa mga limang araw na gawain ang formation, growth session, workshops at community exposure na nagbigay pagkakataon sa mga delegado na makasalumuha ang iba’t ibang sektor ng Bicol.

Samantala pinangunahan ni Caceres Archbishop Emeritus Rolando Tria Tirona ang closing mass sa Our Lady of Peñafrancia Minor Basilica and National Shrine kasama sina Archbishop Alarcon, Antique Bishop Marvyn Maceda, Virac Bishop Luisito Occiano at mga pari ng arkidiyosesis gayundin ang Youth Directors ng mga diyosesis sa bansa.

Inanunsyo naman ni Archbishop Alarcon ang National Conference for Youth Ministers sa 2026 na isasagawa sa Diocese of Kidapawan habang National Youth Day sa 2028 sa Archdiocese of Cagayan de Oro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 20,230 total reads

 20,230 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 57,840 total reads

 57,840 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,051 total reads

 76,051 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 160,379 total reads

 160,379 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 196,795 total reads

 196,795 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,698 total reads

 2,698 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top