Bangued Cathedral, pinag-iingat ang publiko laban sa mga scammer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,993 total reads

Pinag-iingat ng St.James the Elder Cathedral Parish ng Diocese of Bangued sa Abra ang publiko hinggil sa umiikot na solicitation letter gamit ang pangalan at lagda ni Bishop Leopoldo Jaucian, SVD.

Sa pabatid ng cathedral may mga grupo at indibidwal ang iligal na ginagamit ang pangalan at lagda ng obispo para makapangalap ng pondo.

Binigyang diin ng dambana na walang grupo o indibidwal ang pinahintulutan ni Bishop Jaucian sa pangangalap ng pondo gamit ang kanyang pangalan.

“We would like to clarify and inform the public that the bishop has not authorized any form of solicitation nor has he delegated or mandated anyone to solicit on his behalf at this time,” bahagi ng pahayag ng Bangued Cathedral.

Paalala nito sa mananampalataya lalo na sa mga nasasakupang parokya ng diyosesis na maging maingat sa pakikipag-ugnayan sa mga indibidwal at grupong gumagamit sa pangalan ni Bishop Jaucian upang maiwasan ang mga scam activities at maling paggamit ng ecclesiastical authority.

Hinimok nito ang publiko na agad makipag-ugnayan sa mga tanggapan ng bawat parokya o sa tanggapan ni Bishop Jaucian upang beripikahin ang anumang sulat na matatanggap lalo na kung ito ay may kinalaman sa usaping pinansyal.

Patuloy ang paalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mamamayan na maging maingat laban sa mga indibidwal na ginagamit ang pangalan mga lider ng simbahan para sa pansariling interes at iba pang fraudulent activities.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 8,197 total reads

 8,197 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 58,364 total reads

 58,364 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 80,454 total reads

 80,454 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 180,274 total reads

 180,274 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 213,185 total reads

 213,185 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top