Ang tunay na kayamanan, nakikita ng mata, nakikilala ng puso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,259 total reads

Lord My Chef Daily Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II
Sacred Heart Novena Day 3, 20 June 2025
Detalye ng painting ng Sacred Heart of Jesus sa Visitation Monastery, Marclaz, France mula sa godongphoto / Shutterstock.

Kamangha-mangang pakinggan mga obserbasyon ng Panginoong Jesus sa maraming bagay sa ating buhay na nagpapatunay na taong-tao nga siya katulad natin. Nakatapak siya sa lupa at dama lahat ng ating karanasan at pinagdaraanan katulad nitong pahayag niya sa ebanghelyo sa araw na ito na muling tumugma sa ating pagnonobena sa Sacred Heart.

Sinabi ni Jesus, “Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang tanga at kalawang at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, impukin ninyo ay mga kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang tanga at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan, naroon din naman ang inyong puso” (Mateo 6:19-21).

Higit pa sa isang obserbasyon, inaanyayahan at hinahamon din tayo ngayon ni Jesus na suriing mabuti upang matapat nating maamin sa sarili kung saan nga ba nakatuon ang puso natin. Ano o sino nga ba ang ating tanging yaman o tunay na kayamanan sa buhay?

Photo by Lara Jameson on Pexels.com

Hindi pa rin mabura sa aking isipan isang katotohanang tumambad sa akin nitong nakaraang Christmas party sa opisina kung saan noong parlor game na “bring me” ay tinanong ng emcee kung “ano ang una mong hinahanap pagkagising sa umaga?”

Sagot ko ay salamin upang mabasa ko ang oras subalit laking gulat ko na ang tumpak na sagot daw ay cellphone!

Nagsurvey ako sa elevator hanggang sa Misa noong hapon na iyon sa chapel maging noong Simbang Gabi sa parokya at ang sagot ng bayan – cellphone pa rin!

Naisip-isip ko, wala bang naghahanap ng tsinelas o kape o ng asawa o ng anak man lang pagkagising kungdi cellphone?

Paano na ang Diyos, may naghahanap pa ba sa kanya tuwing umaga? Siguro kapag mayroon na lang krisis o matinding pagsubok ang tao sa kanyang buhay. Ngunit kung sagana at maayos ang pamumuhay, mga materyal na bagay ating inaatupag marahil, lalo na ang cellphone at social media.

Pagmasdan kung paanong halos sambahin ng mga tao ngayon ang cellphone na pirming dala-dala hanggang sa loob ng simbahan o palikuran. Sa mga sasakyan at tahanan at kung saan-saan, nakakagulat makita lalo mga bata nakasubsob ang ulo sa cellphone. Ang malungkot, isa sa mga unang inaalam ng karamihan ngayon ay kung anong cellphone ang gamit mo dahil dito na sinusukat ang pagkatao lalo na kapag gamit mo ay iPhone 16 Pro-Max! May nagtatanong pa nga kung “fully paid” daw ba iyong Pro-Max?

At hindi biro ang halaga ng mga cellphone ngayon kaya nga para tayong mga baliw hindi lang sa pagbili nito kungdi sa labis na pagpapahalaga. Pagmasdan kapag nawawala ang cellphone nino man – hindi mapakali at parang kiti-kiti sa pagkapkap ng buong katawan at pag-aapuhap sa kapaligiran para matagpuan nawawalang cellphone. Kay saklap na katotohanan subalit halos lahat tayo ay guilty, your honor.

Larawan kuha ng may-akda, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, 2015.

Sa ikatlong araw din na ito ng ating nobenaryo sa Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus, tayo man ay kanyang inaanyayahan na maging malinaw at matalas ating mga mata upang makita natin higit na mahahalaga sa buhay.

“Ang mata ang pinakailaw ng katawan. Kaya’t kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, madirimlan ang buo mong katawan. Kaya’t kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala, napakadilim niyan!” (Mateo 6:22-23)

Kapag malabo ating mga mata, kapag mga bagay na materyal lang pinapansin at binibigyang halaga at ayaw nang tumanaw sa malalalim na katotohanan sa buhay, iba ang kahihiligan ng ating puso.

Mananatili tayong salat at dukha sa tunay na kayamanan sa Diyos na tanging sa kanya lamang matatagpuan sa pamamagitan ng ating mga ugnayan sa ating mga kapwa lalo na sa ating pamilya at mga kamag-anak pati na mga kaibigan. Sa ating pakikipag-ugnayan, doon lumalalim at yumayaman ating katauhan sa iba’t ibang karanasan ating napagdaraanan lalo na ng mga pagsubok at dagok sa buhay tulad ng hindi mahalin, tanggihan o talikuran at pagtaksilan, masaktan at mabigo, magkasakit at maghikahos sa buhay, maging mamatayan.

Iyan ang itinuturo ni San Pablo sa unang pagbasa: para sa kanya, ang ipinagmamalaki niyang higit ay ang kanyang mga kahinaan at kabiguan dahil doon nahahayag kapangyarihan at kadakilaan ni Jesus. Taliwas at salungat sa gawi ng mundo lalo ngayon na puro payabangan, pahusayan, pasikatan mga tao lalo na sa social media.

Subalit batid din natin naman ang masaklap na katotohanan na sa kabila ng maraming karangyaan at kayamanan, kapangyarihan at katanyagan, lalo namang naliligaw at nawawala mga tao sa ngayon. Kulang at kulang pa rin ating kagalakan at kaganapan o fulfillment sa buhay.

Wika nga ni San Agustin, “Ginawa mo kami para sa Iyo, O Panginoon, at hindi mapapanatag aming puso hanggat hindi napapahingalay sa Iyo” (You have made us for yourself, O Lord, and our hearts are restless until they rest in you”).

Ngayong ikatlong araw ng ating pagsisiyam sa Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus, buong kababaang loob tayo dumulog sa kanya at ilahad ating mga pusong dukha at salat sa tuwa at kagalakan, ang ating mga puso na taksil at puno ng kasalanan. Higit sa lahat, atin ding mga puso na sugatan sa maraming sakit at hapis na pinagdaanan. Hayaan nating linisin, hilumin at panibaguhin ni Jesus ating mga puso upang siya na ang lumuklok at manahan dito yaman rin lamang na Siya ang ating tanging yaman. Managing tayo:

O Jesus na mayroong
maamo at mapagkumbabang Puso,
Gawin Mong ang puso nami'y
matulad sa Puso Mo!
Amen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 44,432 total reads

 44,432 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 79,107 total reads

 79,107 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 107,902 total reads

 107,902 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 144,384 total reads

 144,384 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 159,851 total reads

 159,851 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Only Jesus, always Jesus

 9,708 total reads

 9,708 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Twenty-Second Week in Ordinary Time, Year II, 31 August

Read More »

“Seduced” by God

 8,785 total reads

 8,785 total reads Lord My Chef Sunday Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Twenty-Second Sunday in Ordinary Time, Cycle A, 30 August 2026

Read More »

Wise to be a fool for Christ

 10,685 total reads

 10,685 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Twenty-first Week in Ordinary Time, Year II, 28 August

Read More »

Mothers enriched in every way

 11,532 total reads

 11,532 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Twenty-first Week in Ordinary Time, Year II, 27 August

Read More »
Scroll to Top