Samahan ang Santo Papa sa pagdarasal para sa kapayapaan, paanyaya ng pari sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,193 total reads

Inihayag ni Rev. Fr. Gregory Gaston – rector ng Pontificio Collegio Filippino at correspondent ng Radyo Veritas sa Vatican ang patuloy na panalangin ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV para sa pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa daigdig.

Ayon sa Pari, mahalaga ang pakikiisa ng lahat sa pananalangin ng Santo Papa para sa kapayapaan at kaayusan ng daigdig.

Pagbabahagi ni Fr. Gaston, puspusan ang pakikipag-ugnayan ng Santo Papa sa mga lider at opisyal ng iba’t ibang bansa upang malaman ang kalagayan ng mga mamamayan lalo’t higit sa mga bansang may nagaganap na sigalot o kaguluhan.

“Yung ating Santo Papa, ka-meeting niya din ang mga head of states, nagtatawagan din sila ng ibang president.

Patuloy ang concern ng Santo Papa sa mga ito, at sana tayo masamahan natin ang Santo Papa sa kaniyang pagdarasal.”

Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Paliwanag ng Pari, patuloy ding nananawagan si Pope Leo XIV sa bawat isa upang tumulong sa kapwa na makapagbigay ng pag-asa sa buhay bilang daluyan ng habag, awa, pag-ibig, biyaya at pag-asa ng Panginoon sa sanlibutan.

“Sabi din ni Pope Leo, tayo din ang tumulong sa iba – tayo din ang tumulong na magbigay ng pag-asa sa kapwa, kasi minsan makakaya naman natin – makakatulong naman tayo, minsan tayo pala ang pinadaanan ng Panginoon – tayo pala ang instrument, ang channel na nakadating ang kaniyang grasya sa ating kapwa.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Giit ng Pari, dapat na maunawaan ng lahat na ang bawat Katoliko ay may tungkulin na maging katuwang ng Panginoon sa pagbabahagi ng pag-asa lalo’t higit sa mga nangangailangan at mga dumaranas ng iba’t ibang mga pagsubok sa buhay.

“Mga kapatid sana ay maalala natin lagi na – tayo din ang tumutulong din sa Panginoon na magbigay ng pag-asa sa ating kapwa, kaya ipagdasal nating ang ating mga kapwa lalo na yung mga naghihirap sa sitwasyon na hirap lumabas.” Ayon kay Fr. Gaston.

Sa Pilipinas kapwa naman nananawagan ang Simbahang Katolika sa mga magkatunggaling bansa na magkasundo para sa negosasyon at dayalogo upang magkaisang isulong ang kapayapaan sa mundo.

Bukod sa Israel at Iran, umiiral pa rin ang sigalot sa Gaza gayundin sa Ukraine at Russia at maging sa iba pang panig ng mundo kung saan milyong katao na ang nagsilikas para sa kaligtasan mula sa karahasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 89,484 total reads

 89,484 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 130,045 total reads

 130,045 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 152,568 total reads

 152,568 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 200,835 total reads

 200,835 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 219,448 total reads

 219,448 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top