Simbahan, hinimok na alisin ang pamumuhunan sa mga industriyang nakakasira sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,992 total reads

Hinimok ni Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang mga katiwala ng pananalapi ng Simbahan na muling suriin ang mga pamumuhunan nito upang matiyak na hindi ito nakikinabang mula sa mga industriyang nakapipinsala sa tao at kalikasan.
Binigyang-diin ni Bishop Bagaforo na dapat sumasalamin sa mga turo ni Kristo ang mga pamumuhunan ng Simbahan, sapagkat kung hindi ay nanganganib itong masira ang dangal at tiwala ng mga mananampalataya.

Ginawa ni Bishop Bagaforo ang panawagan sa kanyang pagninilay para sa 24th Archdiocesan Financial Administrators of the Philippines Convention noong June 19, 2025 sa Sto. Niño de Bula Parish sa General Santos City.

“We cannot preach justice on Sunday while profiting from injustice on Monday… Our finances are not just tools — they are moral acts. They either support human dignity and the common good, or they fuel destruction and inequality,”
pahayag ni Bishop Bagaforo.

Matatandaan sa mga pastoral statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong 2019 at 2022, nanawagan ang mga obispo sa lahat ng institusyong Katoliko — kabilang ang mga diyosesis, paaralan, at kongregasyon — na umiwas sa pamumuhunan sa mga mapaminsalang industriya tulad ng coal at fossil fuels, pagmimina, at ilegal na pagtotroso.

Ayon kay Bishop Bagaforo, ang divestment ay hindi isang padalus-dalos na pagbawi ng pondo, kundi isang moral na paninindigan.

“The true wealth of the Church lies not in its assets, but in its witness to the Gospel — especially in the face of suffering, injustice, and ecological collapse,” giit ni Bishop Bagaforo.

Bilang halimbawa ng negatibong epekto ng mapaminsalang pamumuhunan, binanggit ni Bishop Bagaforo ang mga kaso ng sapilitang pagpapalayas sa mga katutubo sa kanilang lupaing ninuno sa Sierra Madre, pagkalason ng baybayin sa Maynila na apektado ang mga mangingisda, at mga pamayanang sinira ng pagmimina sa Mindanao.

Sa kabila nito, kinilala ng obispo ang mahalagang gampanin ng mga katiwala ng pananalapi bilang mga tagapangalaga ng pag-asa at tagapagtaguyod ng katarungan.

Hamon ni Bishop Bagaforo sa mga tagapangasiwa na maging tapat sa tungkuling ipinagkatiwala ng Simbahan at isabuhay ang pananampalataya sa bawat hakbang — lalo na sa paggamit ng pondo para sa kapakanan ng mga higit na nangangailangan.

“Let us ensure that every peso invested by the Church becomes a seed for the Kingdom of God — a seed that brings life, dignity and healing to those who need it most,” ayon kay Bishop Bagaforo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 33,889 total reads

 33,889 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 69,759 total reads

 69,759 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 123,594 total reads

 123,594 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 185,485 total reads

 185,485 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 253,225 total reads

 253,225 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 49,384 total reads

 49,384 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top