Immorality of war spending, kinundena ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,043 total views

Kinundena ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang patuloy na armadong sagupaan sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Ito ang bahagi ng pastoral alert ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na may titulong “A Time of Shaking, A Call to Shared Humanity” kaugnay sa patuloy na mga digmaang nagaganap sa pagitan ng iba’t ibang bansa.

Partikular na kinundina ni Bishop Alminaza na siya ring vice-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace, ang malaking halagang inilalaan at ginagastos sa digmaan kung saan aabot sa 200-milyong-dolyar kada araw ang nawawaldas para sa mga bala, bomba at iba pang armas na sumisira sa mga ari-arian at buhay ng inosenteng sibilyan.

“The Immorality of War Spending. Every day this war continues, we are reminded of a stark reality: $200 million a day is being spent on war—just in the Israel-Iran conflict alone. That’s billions burned on missiles, destruction, and defense systems… while children die of hunger, communities drown in floodwaters, and our youth lose hope.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Giit ng Obispo, hindi katanggap-tanggap ang patuloy na paggasta para sa digmaan na nagdudulot lamang ng kagutuman, kahirapan at pagdurusa sa mga pamayanan.

Ipinaliwanag ni Bishop Alminaza na mahalaga ang paninindigan ng bawat isa laban sa patuloy na pag-iral ng karahasan na hindi lamang sumisira sa mga istruktura at ari-arian kundi maging sa dignidad at buhay ng mga mamamayan.

“As people of faith, we must say it clearly: This is not only unsustainable—it is unjust. This is not simply a budgetary issue. It is a moral failure—a betrayal of human dignity and God’s call to peace.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Pagbabahagi ng Obispo, napapanahon na upang magkaisa ang bawat mananampalataya upang ipanalangin ang paggabay ng Panginoon na mawakasan na ang anumang sigalot at hindi pagkakaunawaan na nagdudulot ng armadong sagupaan sa pagitan ng iba’t ibang bansa.

“This is not a time to remain on the sidelines. Let us not be passive observers, but prophetic disciples— rooted in prayer, guided by conscience, and in solidarity with the poor and the planet.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.
Una na ring nanawagan ng dayalogo, at pagkakasundo ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV para sa pagkamit ng matagal ng inaasam na kapayapaan sa daigdig kung saan walang sinuman ang dapat na magdusa ng dahil sa walang saysay na sigalot at karahasan na dulot ng armadong sagupaan.

Paliwanag ni Pope Leo XIV, marapat na maging bukas ang mga lider ng bawat bansa sa pakikipagdayalogo upang mapayapang maresolba ang anumang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magkakaibang bansa.

Sa Pilipinas kapwa naman nananawagan ang Simbahang Katolika sa mga magkatunggaling bansa na magkasundo para sa negosasyon at dayalogo upang magkaisang isulong ang kapayapaan sa mundo.

Bukod sa Israel at Iran, umiiral pa rin ang sigalot sa Gaza gayundin sa Ukraine at Russia at maging sa iba pang panig ng mundo kung saan milyong katao na ang nagsilikas para sa kaligtasan mula sa karahasan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 11,450 total views

 11,450 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 81,562 total views

 81,562 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 156,176 total views

 156,176 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 236,255 total views

 236,255 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 279,103 total views

 279,103 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 1,421 total views

 1,421 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top