Pagkamatay ng isang madre, nilinaw ng St.Therese of the Child Jesus parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,948 total reads

Naglabas ng pahayag ang St. Therese of the Child Jesus Parish sa Talisay, Lipa City, Batangas, upang linawin ang kumakalat na balita kaugnay ng pagpanaw ng isang madre sa lungsod.

Inanunsyo ng parokya ang biglaang pagpanaw ni Sr. Rita Rama, na kasapi ng Blessed Sacrament Missionaries of Charity, na natagpuang walang buhay noong June 27, 2025, sa inuupahang apartment sa Lipa City.

Batay sa imbestigasyon ng Lipa City Police at Scene of the Crime Operatives (SOCO) at sa isinagawang autopsy, ang sanhi ng pagpanaw ng madre ay myocardial infarction o atake sa puso.

Nilinaw ng parokya na walang nakitang ebidensya ng karahasan o pang-aabusong sekswal, taliwas sa mga kumakalat na ulat na natagpuang nakahandusay ang madre, walang saplot, at may bakas ng dugo sa maselang bahagi ng katawan.

“No evidence of foul play or sexual assault was found. Cremation immediately followed after the autopsy because her body was found in the state of advanced decay,” ayon sa pahayag ng parokya.

Si Sr. Rama ang nangasiwa sa dalawang mission communities sa Dagatan Creek at Paanan ng Bundok sa Barangay Talisay, kung saan tumulong siya sa espiritwal at materyal na pangangailangan ng mga residente.

Kabilang sa kanyang mga nagawa ang pagpapatayo ng mahigit 40 bahay para sa mga pamilyang kapus-palad sa Dagatan Creek.

Nagsilbi rin si Sr. Rama bilang “prayer cathecist” na nagtuturo ng mga panalangin sa mga pampublikong paaralan.

Kasalukuyang inaayos ng pamilya at ng mga kasama sa kongregasyon ang mga detalye ng burol at libing ni Sr. Rama, habang ang kanya namang mga abo ay pansamantlang nakalagak sa San Fernando Funeral Homes, Lipa City.

Para naman sa karagdagang legal na katanungan, maaaring makipag-ugnayan kay Ms. Marietta H. Fayre, ang Public Information Officer ng parokya, sa numerong 0917-504-7223.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 32,757 total reads

 32,757 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 68,728 total reads

 68,728 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 122,563 total reads

 122,563 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 184,510 total reads

 184,510 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 252,250 total reads

 252,250 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 49,302 total reads

 49,302 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top