Matagumpay na 130th CBCP plenary assembly, ipinagdarasal ng SLP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,481 total reads

Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa nakatakdang 130th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na isasagawa sa Bohol sa kauna-unahang pagkakataon.

Ayon kay LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Espiritu Santo para sa nakatakdang pagpupulong ng kalipunan ng mga Obispo sa bansa kung saan inaasahan din ang paghahalal ng mga Obispo ng bagong pamunuan para sa iba’t ibang komisyon ng CBCP.

Paliwanag ni Padilla, mahalaga ang gabay ng Banal na Espiritu sa mga Obispo na nagsisilbing pastol sa kawan ng Panginoon upang ganap na mapagnilayan, matalakay at mapagdesisyunan ang mga usaping dapat na tutukan at bigyang pansin ng Simbahan sa kasalukuyang panahon.

Kabilang sa partikular na tinukoy ni Padilla ang patuloy na armadong sagupaan na nagaganap sa iba’t ibang bansa gayundin ang kinahaharap na krisis ng Pilipinas sa usapin ng pulitika at ekonomiya.

“LAIKO joins the Philippine LAITY in praying for the 130th CBCP Plenary Assembly this week in Bohol. It is a remarkable time in the world, na ang daming nangyayaring away, at importanteng panahon din sa Pilipinas – sa politika, pamilya at ekonomiya. Kaya’t importanteng ipagdasal ang mga Obispo natin, na gabayan sila sa mga paguusapan nila, at sa kanilang eleksyon.” Bahagi ng pahayag ni Padilla sa Radyo Veritas.

Inaasahang kabilang sa tatalakayin sa gaganaping pagpupulong ng kalipunan ng mga Obispo sa bansa ang higit na pagsusulong sa aktibong partisipasyon ng mga layko partikular na ang mga kababaihan sa mga gawaing pang-Simbahan bilang pagsasakatuparan ng isang ganap na Simbahang Sinodal.

Nakatakda ang 130th Plenary Assembly ng CBCP sa kauna-unahang pagkakataon sa lalawigan ng Bohol, Aklan mula June 30 hanggang July 7, 2025 sa ilalim ng pangangasiwa at paghahanda ng Diyosesis ng Tagbilaran at Talibon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 86,235 total reads

 86,235 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 126,795 total reads

 126,795 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 149,471 total reads

 149,471 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 197,739 total reads

 197,739 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 216,473 total reads

 216,473 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top