Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 105,044 total views

50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region?

Sa July 18, 2025 ipapatupad ng Department of Labor and Management ang 50-pesos na umento sa sahod. Mabibiyayaan nito ang 1.2-milyong minimum wage workers sa NCR. Mula sa 645-pesos na minimum wage ng mga non-agricultural workers ay magiging 695-pesos na ang kanilang arawang sahod. Sa mga manggagawa sa agri,services at retail mula sa 608-pesos magiging P658 na ito.

Mabilis na kumilos ang NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa pag-aprubado ng wage increase matapos kapusin sa oras ang Senado at Kamara na mapag-isa at maisapinal ang 200-pesos at 100-pesos na across the board legislated wage increase nationwide. Kung naisabatas ang legislated wage increase, ibig bang sabihin., dapat nang buwagin ang mga TWPB sa bawat probinsya sa Pilipinas? Di kaya, mabilis na tumugon ang TWPB sa pakiusap ng mga negosyante dahil sa takot sa legislated wage increase? Maigi nang mauna kaysa mahuli… Sa pagbubukas ng 20th Congress, marami sa mga mambabatas ang naghain ng panukala para sa legislated wage increase.

Kapanalig, katanggap-tanggap ba sa mga manggagawa ang 50-pesos na umento sa sahod ng mga minimum wage earners sa NCR?

Para sa Church People-Workers Solidarity (CWS), welcome ang wage hike… Pero, ang sabi ng grupo…hindi makatao ang dagdag sa sahod, malayo ito sa 1,200-pesos na daily cost of living..Tinagurian ng grupo na pro-business at anti-workers ang kakarampot na pagtaas sa sahod ng mga manggagawa sa NCR na hirap na hirap na pagkasyahin ang suweldo sa pang-araw araw na gastusin.. mahal ang mga bilihin., mahal ang bayarin sa mga serbisyo, pamasahe.

Gusto ng mga manggagawa ang legislated wage increase., ayaw ito ng mga employers., magsasara daw ang maraming kumpanya lalu na ang mga Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs). Ang totoo Kapanalig, ang isang minimum wage earners sa Pilipinas., magreretiro na lang, mahirap pa rin dahil sa maliit na sahod… ang mga employer, triple ang kinikita. Nasaan ang social justice?

Kapanalig, sang-ayon ka ba na ang desisyon ay pagpapakita ng kawalan ng habag ng DOLE at RTWRB lalu na ng mga employer sa mga manggagawa?

May epekto kaya ang 50-pesos na wage hike sa mga manggagawa na sumasahod ng minimum? Nabunyag sa SWS survey noong April 2025 na tumaas ng 20-porsiyento ang bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger (kagutuman). Naitala sa Mindanao ang mataas na bilang ng kagutuman 17.3-percent.,14.3-porsiyento sa Visayas at 20-percent sa Metro Manila habang 17-percent sa Luzon

Ipinaalala ni Pope Leo XIII sa kanyang encyclical na RERUM NOVARUM (45) sa mga lider ng pamahalaan at mga employer na “The working man is not be treated as a slave;in the market place, he is not simply a merchandise”.The worker is not a cog in the machinery of capital. He is a person, made in the like and image of God. The rich have a responsibility to help the poor, and charity is an important duty of all Christian”.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 52,838 total views

 52,838 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 85,920 total views

 85,920 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 114,271 total views

 114,271 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 182,003 total views

 182,003 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 201,460 total views

 201,460 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Upper-middle income na ang Pilipinas

 52,839 total views

 52,839 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 85,921 total views

 85,921 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 114,272 total views

 114,272 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 182,004 total views

 182,004 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »
Scroll to Top