Misa ng pasasalamat sa PPCRV volunteers, pinangunahan ni Bishop Maralit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,317 total reads

Pinangunahan ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. ang pagdiriwang ng Misa Pasasalamat para sa mga PPCRV volunteer sa diyosesis na naglingkod noong nakalipas na 2025 Midterm National and Local Elections noong Mayo.

Bahagi ng pagninilay ng Obispo sa naganap na misa sa St. John the Baptist Parish, Poblacion, Calamba, Laguna noong ika-12 ng Hulyo, 2025 ang pasasalamat at pagkilala sa determinasyon ng mga PPCRV volunteers na bantayan ang kabuuang proseso ng halalan upang matiyak ang ganap na pananaig ng demokrasya ng bansa.

Ayon kay Bishop Maralit, walang katumbas na halaga ang mahalagang tungkuling ginagampanan ng mga PPCRV volunteers sa pagsusulong ng pambihirang karapatang makaboto at maghalal ng mga mamamayan sa mga opisyal ng bayan.

“PPCRV represents the sharing of values of Christians whether Catholic or not people who believe in honest, clean, real elections, real rights of people to choose whomever they want to lead them. So sa ngalan ng Simbahan ako ay nagpapasalamat sa inyong lahat for keeping the light shining, for representing what it means to have shared values, hindi ko kayo kayang bayaran sapagkat ang tunay na values ay priceless.” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Maralit.

Hinamon naman ni Bishop Maralit ang mga PPCRV volunteer sa diyosesis na bumuo ng mga programa at inisyatibo upang patuloy na gabayan ang mga mamamayan sa kanilang mahalagang tungkulin bilang mabuti at responsableng kasapi ng pamayanan bago pa man sumapit ang halalan.

Paliwanag ng Obispo ang pagbabantay sa boto ay hindi lamang nangyayari sa mismong oras ng halalan kundi bago pa man, habang at pagkatapos ng eleksyon sa pamamagitan ng paghubog sa mga botante na maging matalino sa pagpili ng mga kandidato.

“I will be challenging you to make plans for 2028 before 2028, to make plans by hopefully 2026 we can help our people reflect and discern for the next election because change can happen, because change has already happened. Isipin niyong mabuti yan, change can happen because change has already happened. Also make plans after 2028 for whatever results may take place kasi hindi natin alam kung anong mangyayari sa 2028 pero still the mission is the same to share the values that are deep within us and to be light when there is darkness.” Bahagi ng hamon ni Bishop Maralit.

Bilang kongretong tugon naman sa hamon ng Obispo, matapos ang banal na misa ay pinangunahan ni Rev. Fr. Christian B. Pajutan, assistant priest-director ng PPCRV sa diyosesis ang paglulunsad ng 3-Year Formation Program sa diyosesis na naglalayong gisingin ang kamalayan ng bawat mamamayan sa kanilang mahalagang tungkuling ginagampanan bilang pag-asa ng lipunan.

Bahagi ng inisyatibo ang pagsasagawa ng Kamalayan Months na pag-iikot sa iba’t ibgang mga paaralan, parokya at Basic Ecclesial Communities upang magsagawa ng patuloy na voter education program upang isulong ang CHAMP Elections sa bansa.

Batay sa kabuuang tala ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), tinatayang aabot sa mahigit 350,000 ang bilang ng mga PPCRV volunteers mula sa iba’t ibang mga parokya at diyosesis sa bansa ang nakibahagi sa pagbabantay sa nakalipas na halalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 16,631 total reads

 16,631 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 103,716 total reads

 103,716 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 150,456 total reads

 150,456 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 198,328 total reads

 198,328 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 301,548 total reads

 301,548 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top