Pagdeklara ng SC na unconstitutional ang impeachment trial kay VP Duterte, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,846 total reads

Mariing kinondena ng Conference of Major Superiors in the Philippines – Justice, Peace and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) ang desisyon ng Korte Suprema na idineklarang unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa pahayag ng kapulungan, ang nasabing desisyon ay higit pa sa simpleng legal na hakbang sapagkat ito’y hayagang pagtataksil sa tiwala ng taumbayan at pangungutya sa institusyon ng bansa.

Iginiit ng CMSP, nabigo ang Korte Suprema sa tungkuling maging sandigan ng katarungan dahil pinili nitong manahimik at umasa sa teknikal na dahilan sa halip na pairalin ang pagiging patas at tapat.

“By shielding the Vice President from a legitimate process of accountability, the Supreme Court has deepened the growing perception that the law no longer serves the poor and the powerless, but protects only those with influence, pedigree, and proximity to power,” pahayag ng CMSP.

Hinamon din ng kapulungan si Duterte na patunayan ang kanyang katapatan at kawalang sala sa halip na magtago at umasa sa mga ligal na depensa.

Binigyang-diin ng CMSP na ang pagiging lingkod-bayan ay kaakibat ng tiwalang dapat tapat na magampanan, at higit sa lahat, hindi namamana, hindi pinangangalagaan ng mga political dynasty, at hindi ligtas sa pananagutan.

Nanawagan ang mga relihiyoso at relihiyosa sa mga mananampalataya, tagapagtanggol ng katotohanan, at mga lider ng Simbahan na magbuklod para sa mapayapang paglaban sa katiwalian at pang-aabuso ng kapangyarihan.

“As consecrated persons, we are called to be watchmen of truth, defenders of the poor, and disturbers of unjust peace… Let us walk together as pilgrims of hope, not in denial, but in defiance of darkness. Let us walk as a Church not of the powerful, but of the poor and the prophetic,” dagdag ng CMSP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 118,936 total reads

 118,936 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 152,265 total reads

 152,265 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 184,409 total reads

 184,409 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 250,472 total reads

 250,472 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 262,077 total reads

 262,077 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,452 total reads

 122,452 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top