Bagong Obispo ng Ipil, tiniyak ang pakikilakbay tungo sa simbahang sinodal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,269 total reads

Tiniyak ng bagong pastol ng Diocese of Ipil ang pakikilakbay sa kawang ipagkakatiwala sa kanyang pangangalaga alinsunod sa panawagang simbahang sinodal.

Ikinatuwa ni Bishop Glenn Corsiga ang mainit na pagtanggap ng pamayanan ng Ipil na daan upang gumaan ang kanyang kalooban sa pagharap sa mas malawak na misyon ng kanyang piniling bokasyon.

Aniya makatutulong ito upang higit na maisabuhay ang ninanais na simbahang sinodal o simbahang nagbubuklod sa paglalakbay.

“We will be journeying together in communion, in participation, and in mission because that is what the Church calls us to do at the moment in synodality with each other,” pahayag ni Bishop Corsiga sa Radyo Veritas.

Batid ng obispo ang kahandaang makinig at makilakbay sa pamayanan kasama ang mga paring magiging katuwang sa pagpapastol sa mahigit kalahating milyong katoliko sa lugar.

“I will spend a period of listening. I will journey with them, so that I can understand the plans they have already made,” dagdag ng obispo.

Bukod dito hiniling din ni Bishop Corsiga sa mga pari ng diyosesis na turuan at gabayan ito sa kanyang mga gawaing pagpapastol lalo na sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at sa Muslim community na tinatayang nasa 15 porsyento sa kabuuang populasyon ng Zamboanga Sibugay.

“Teach me how to journey—especially with our Muslim brothers and sisters—and in partnership with the local government,” ani Bishop Corsiga.

Naniniwala ang obispo na sa pagkakaisa at pagtutulungan ng pamayanan ay makamit ang higit na pag-unlad bilang kawan ng Panginoon at komunidad na pinagbubuklod ng pag-ibig.

“Our partnership will grow into something that will bear fruit not only for Ipil but for the entire Sibugay as a province,” giit ng obispo.

Ito rin ay tugma sa episcopal motto ng obispo na ‘Amare Et Servire’ na patuloy paglilingkod sa diwa ng pag-ibig ng Panginoon sa sangkatauhan.

Matatandaandang April 14 nang italaga si Bishop Corsiga bilang kahaliling pastol ni Bishop Julius Tonel na ngayo’y arsobispo ng Archdiocese of Zamboanga.

Ang obispo ang pinakahuling itinalaga ni Pope Francis bago pumanaw noong April 21, 2025.

Nitong July 29 nang ginawaran ng episcopal ordination si Bishop Corsiga sa St. Catherine of Alexandria Cathedral sa Dumaguete City sa ritong pinangunahan ni Archbishop Tonel katuwang sina Dumaguete Bishop Julito Cortes at Palo Archbishop John Du habang si Cebu Archbishop Emeritus Jose Palma naman ang nagsilbing homilist sa pagdiriwang.

Dumalo sa pagdiriwang ang mga obispong kasapi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kabilang na si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Itinakda naman ng Diocese of Ipil ang pagluluklok kay Bishop Corsiga sa cathedra ng St. Joseph the Worker Cathedral sa August 14.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 24,662 total reads

 24,662 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 61,893 total reads

 61,893 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 80,104 total reads

 80,104 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 164,432 total reads

 164,432 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 200,663 total reads

 200,663 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 3,369 total reads

 3,369 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top