Parent-child healthy relationship, matibay na panlaban sa addiction

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,484 total reads

Iginiit ni Cebu Archbishop-designate Alberto Uy na mahalagang mapagtibay ang relasyon ng pamilya sa pagharap sa mga panlipunan at pang-espiritwal na suliranin.

Sa kanyang pagninilay na pinamagatang “Protecting Our Children from Drug Addiction: A Call to Vigilant, Loving Parenthood,” binigyang-diin ng arsobispo ang kahalagahan ng matibay na pananampalataya bilang gabay sa pagpapalaki ng mga anak.
Batid ni Archbishop Uy na sa gitna ng isang komplikado at mabilis magbago na lipunan, umuusbong din ang mabigat na suliranin ng maraming pamilya—lalo na sa usapin ng pagbibigay-proteksyon sa mga kabataan laban sa banta ng drug addiction.
“The first and most powerful defense against addiction is a healthy relationship between parent and child. Children who feel loved, understood, and supported at home are less likely to turn to drugs for escape,” bahagi ng pahayag ng arsobispo.

Naniniwala si Archbishop Uy na mahalagang mapaigting ang ugnayan sa loob ng tahanan—physically and emotionally present—at dapat ugaliin ng mga magulang ang pakikinig sa halip na puro pangangaral, upang mapadama ang diwa ng pagiging ligtas sa loob ng bawat tahanan.

Ibinahagi rin niya ang anim na practical at spiritual steps na maaaring gabay sa mga magulang sa pakikilakbay sa kanilang mga anak: Be Present: Build Strong Bonds Early; Set Clear Values and Boundaries; Monitor Peer Influence and Online Exposure; Encourage Faith and a Sense of Purpose; Be a Parent, Not Just a Provider; at Pray and Entrust Your Children to God.

Aniya, mahalagang tinalakay sa loob ng tahanan ang masasamang epekto ng iligal na droga—hindi lamang sa pisikal na kalusugan kundi pati na rin sa mental, emosyonal, at espiritwal na aspeto ng buhay na maaaring makasira sa kinabukasan ng kabataan.
Tinuran din ng arsobispo ang paglawak ng digital environment na may impluwensiya sa pag-iisip at pagkilos ng mga kabataan, kaya’t higit na kailangan ang malapit na paglingap ng mga magulang sa kanilang mga anak.

“You don’t have to be perfect, just present. You don’t have to give them everything—just give them yourself. Children would rather have a parent who is available than a perfect one who is always busy… Let your home be open to their friends too—it’s better to know the environment they’re growing in,” dagdag pa ng arsobispo.
Binigyang-diin din ni Archbishop Uy ang kahalagahan ng pananampalataya sa pagbibigay-proteksyon laban sa mga banta ng lipunan, kabilang ang droga.

“Faith is not just a protection; it is a foundation. Protecting our children from drug addiction is not about fear—it’s about love. It is a daily mission of building trust, setting limits, walking in faith, and praying unceasingly,” aniya.

Sa kanyang paalala sa mga magulang, inihalintulad ni Archbishop Uy ang karanasan ni Santa Monica, na sa kabila ng pagsubok sa pagpapalaki kay San Agustin, ay patuloy na kumapit sa pag-asa ng Panginoon—na naging daan sa pagbabagong-loob ng kanyang anak.
“Dear parents, you are not alone in this mission. God walks with you, and His grace will sustain you. Let us build families that are not only drug-free but filled with faith, hope, and love.”

Ayon sa Dangerous Drugs Board, tinatayang 1.7 milyong Pilipino (o 2% ng populasyon edad 10 hanggang 69) ang gumagamit ng iligal na droga noong 2019. Sa ulat naman ng World Health Organization, mahigit 5,000 katao ang sumailalim sa rehabilitasyon sa mga health facility sa bansa noong panahong iyon.

Patuloy rin ang pagkilos ng simbahan upang tulungan ang mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot, sa pamamagitan ng mga programa tulad ng: Sanlakbay para sa Pagbabagong Buhay ng Archdiocese of Manila Program Paghilom para sa mga pamilya ng biktima ng extrajudicial killings at iba pang community-based rehabilitation programs na inisyatibo ng iba’t ibang parokya at diyosesis.

Kasabay nito ang pagpapatatag ng mga formation programs na nakatuon sa moral at espiritwal na paghubog ng mamamayan, bilang pangmatagalang tugon sa problemang dulot ng droga sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 20,213 total reads

 20,213 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 57,824 total reads

 57,824 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,035 total reads

 76,035 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 160,363 total reads

 160,363 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 196,779 total reads

 196,779 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,694 total reads

 2,694 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top