Obispo umapela sa simbahan at gobyerno na magkatuwang na tugunan ang mental health crisis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,493 total reads

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa simbahan at pamahalaan na harapin nang buong puso at may malasakit ang lumalalang krisis sa mental health sa bansa.

Kaugnay ito sa huling ulat ng Philippine National Police na mahigit 2,000 Pilipino ang naitalang nagpatiwakal sa loob lamang ng kalahating taon ngayong 2025.

Ayon kay Bishop Santos, hindi lamang ito mga simpleng bilang, kundi mga anak, kapatid, kaibigan, at kapwa na tahimik ngunit may mabigat na pinagdaraanan.

“Mental health, though once overlooked, must now take its rightful place in our national and spiritual consciousness. The suffering of the mind and spirit must be treated with as much compassion and urgency as the wounds of the body,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinikayat ng obispo ang simbahan na maging pastol ng pag-asa at aktibong kanlungan, na magsisilbing malakas at mapagkalingang tinig upang ipadama sa bawat dumaraan sa pagsubok na sila’y may karamay at hindi nag-iisa.

Dagdag pa ni Bishop Santos, dapat maging bukas na bisig ang mga parokya, hindi lamang bilang lugar ng pagsamba, kundi para rin sa pakikinig, paggabay, at pagpapagaling.

Iminungkahi ng obispo ang pagsasanay sa pastoral workers, kabataan, at mga pari upang matukoy at matulungan ang mga taong may mental distress.

Gayundin ang paglulunsad ng libreng mental health talks at volunteer networks sa mga parokya, at pakikipag-ugnayan sa mga dalubhasa upang maihatid ang abot-kayang serbisyo sa barangay level.

Binigyang-diin din ni Bishop Santos ang kahalagahan ng pagtutulungan ng simbahan at pamahalaan upang pondohan ang mental health programs, sanayin ang mga guidance counselor sa paaralan, at siguraduhin ang access sa psychiatric care sa mga pampublikong ospital.

“To our government leaders: our young people are crying out. Let us respond not only with policies but with compassion… Mental wellness is not a privilege—it is a right. And every suicide is a national tragedy we must work together to prevent,” ayon kay Bishop Santos.

Panawagan din ng obispo sa lahat na putulin ang stigma o mga nakasanayan tungkol sa mental health, at yakapin ang kultura ng pag-amin at paghingi ng tulong.

“Talking about our pain is not weakness—it is courage. Seeking help is not shame—it is strength. And saving lives is a mission that belongs to all of us… May we, as a nation, remember that our true healing begins in our willingness to care,” saad ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 81,383 total reads

 81,383 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,820 total reads

 115,820 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 151,120 total reads

 151,120 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 377,389 total reads

 377,389 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 266,430 total reads

 266,430 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,223 total reads

 155,223 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top