Premyo para sa mga kaalyado?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 111,849 total reads

Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga senador na mamumuno ng iba’t ibang komite sa Senado. 

Makapangyarihan ang mga chairpersons ng mga komite. Sila kasi ang nagtatakda ng itatakbo ng mga batas na inerdorso sa kanilang komite para suriin. Sila ang nagsasabi kung aling mga panukalang batas ang agad na tatalakayin at alin ang hindi muna pag-uusapan. 

Sa Senado, inaasahan nang unang mabibigyan ng committee chairmanship ang mga senador na sumali sa tinawag na supermajority o mga mambabatas na sumuporta sa kasalukuyang senate president. Matapos makuha ang boto ng 19 na senador, nanatiling senate president si Senador Francis “Chiz” Escudero. Indikasyon ito na walang naging epekto ang mabagal niyang pagtugon sa impeachment complaint laban kay VP Sara na iniakyat sa Senado ng mga kongresista. 

Kahit nga sina Senador Bam Aquino at Senador Kiko Pangilinan na pabor na ituloy ang impeachment trial, si Senador Escudero ang piniling maging lider ng Senado. May mga nagsasabing dahil dito, nakuha ng dalawang nagbabalik na senador ang tinatarget nilang mga committee. Si Senator Pangilinan ang mamumuno ng Agriculture, Food and Agrarian Reform Committee. Akma ito sa adbokasiya niya tungkol sa food security at pagpapalago sa sektor ng agrikultura. Basic Education Committee naman ang ipinagkatiwala kay Senador Aquino. Pabor ito sa kanyang adbokasiya tungkol sa edukasyon. 

May mga tumaas naman ang kilay sa pagtatalaga ng mga senador na wala raw sapat na kakayahan o may kaduda-dudang interes para pamunuan ang komiteng hahawakan nila. 

Halimbawa, si Senador Robin Padilla, na walang pormal na pagsasanay sa batas, ay itinalagang chairperson ng Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes. Dahil ba sa adbokasiya niya ang pederalismo kaya ito ang ipinagkatiwala sa kanya? 

Ang baguhang si Senador Rodante Marcoleta ay ginawang chairperson ng makapangyarihang Blue Ribbon Committee o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations. Dahil ba ito sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa isang maimpluwensyang sekta?

Si Senador Lito Lapid ay ginawang chairperson ng Committee on Urban Planning, Housing, and Resettlement. Ano raw kaya ang maihahain niyang patakaran tungkol sa urban planning gayong ang probinsyang dati niyang pinamunuan ay lubog sa baha?

Environment, Natural Resources, and Climate Change ang komiteng ibinigay sa isang ring baguhang senador na si Camille Villar. Bakit daw ipinagkatiwala sa kanya ang isang komiteng tumatalakay sa mga batas at panukalang magbabawal sa mga negosyo at industriyang sumisira sa kalikasan? 

Public Works ang komiteng pamumunuan ng kanyang kuya na si Senador Mark Villar. May mga nagtataka sa pagkakatalaga niya sa komiteng ito gayong maraming anomalya sa mga proyektong pang-imprastraktura noong pinamumunuan niya ang DPWH. 

Para naman sa arkitekto ng madugong giyera kontra droga ng administrasyong Duterte na si Senador Bato dela Rosa, ang Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang ibinigay. Kung may batas na layong bigyang-katarungan ang mga biktima ng war on drugs, baka hindi ito kailanman matalakay.

Wala na tayong magagawa sa mga bumubuo ngayon ng ating Senado. Nakalulungkot lang na tila nagiging larangan ng pagbibigay ng pabor at premyo ang ating lehislatura. 

Pero nasa ating mga mamamayan pa rin ang tungkuling bantayan ang kanilang mga sasabihin at gagawin bilang mga mambabatas at chairman ng mahahalagang komite. Ang paggawa ng batas ay paraan upang maitaguyod ang dignidad ng tao at kabutihang panlahat, mga bagay na pinahahalagahan natin sa Simbahan. Sabi nga sa Isaias 10:1, “Mapapahamak [ang] mga gumagawa ng hindi makatarungang batas…”

Mga Kapanalig, huwag nating hayaang magamit ang kapangyarihang gumawa ng batas para sa makikitid at personal na interes ng mga mambabatas.

Sumainyo ang katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 5,758 total reads

 5,758 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 5,886 total reads

 5,886 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 11,437 total reads

 11,437 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 67,843 total reads

 67,843 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 191,345 total reads

 191,345 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 276,270 total reads

 276,270 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 11,438 total reads

 11,438 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 67,844 total reads

 67,844 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 191,346 total reads

 191,346 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top