Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 13,781 total views

Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government Service Insurance System (o GSIS). Ito ang katapat ng SSS na para naman sa mga nasa pribadong sektor. Pero paano kung ang perang inihuhulog ninyo sa GSIS ay ginamit para mamuhunan sa online gambling?

Ito ang natuklasan ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros. Mahigit isang bilyong piso raw ang in-invest ng GSIS sa kompanyang DigiPlus, isang online gambling platform. Naglagak ito ng investment noong ang bawat share ng kompanya ay nasa ₱65. Ngayon, nasa halos ₱14 na lang daw ito. Lugi raw ang GSIS kung gayon. Pero ang mas ipinagtataka ng senadora, bakit nag-i-invest ang GSIS sa online gambling gamit ang pera ng mga contributors nito? Kung GSIS member kayo, anong mararamdaman ninyo?

Ilang buwan na ngang laman ng balita ang online gambling. Nagsalita na pati ang ating mga obispo laban sa mga panganib ng pagsusugal gamit ang cellphone. Ilang beses nang pinuna ni Cardinal Pablo Virgilio David ang kawalan ng aksyon ng gobyerno sa online gambling. Katwiran daw ng PAGCOR, kita para sa goberno ang ipinapasok ng online na pagsusugal. Sayang naman daw ang dagdag sa pondo ng bayan kung tuluyang ipagbabawal ang online gambling. 

Ikinalulungkot ito ni Cardinal Ambo dahil sa totoo lang, mas malaki ang tinatawag na social cost ng pagsusugal. Hindi matutumbasan ng anumang kita mula sa online gambling ang pinsalang iniiwan ng pagsusugal sa buhay ng mga tao, kabilang ang mga kabataan. Nawawasak ang mga pamilya, nalulubog sa utang hanggang sa maligaw ng landas ang mga lulong sa pagsusugal, at nasisira ang kinabukasan ng mga kabataang hinahayaang gumamit ng mga online gambling apps. Walang duda, krimen ang pagsusugal, giit ni Cardinal Ambo.

Kaya nakadidismayang ang perang pinaghihirapang iimpok ng mga kawani ng gobyerno ay ginagamit para sa isang negosyong walang mabuting maidudulot. Marami namang pwedeng paglagakan ng pondo ng GSIS para lumago ito at mapakinabangan ng mga miyembro nito, pero bakit sa online gambling pa? Sa ginawang ito ng ahensya, nagiging promotor ito ng isang gawaing inaalipin ang mga tao. Inihalintulad nga ni Cardinal Ambo ang adiksyon sa online gambling sa “modern day slavery” o pang-aalipin sa makabagong panahon. 

Dahil nasa kapangyarihan nila ang bantayan ang mga ahensya ng gobyerno, dapat lamang pagtuunan ng pansin ng ating mga mambabatas ang mistulang pagtaya ng GSIS sa online gambling. Ani Senador Hontiveros, ang ginawang ito ng GSIS ay batayan na para balikan ang batas na lumikha sa ahensyang ito at ang mga pinahihintulutang paraan para tumubo ang perang ipinagkakatiwala sa kanila ng mga pampublikong manggagawa. Subaybayan natin ito, mga Kapanalig.

Samantala, hindi pa buo ang isip ni Pangulong BBM kung dapat nga bang ipagbawal na ang online gambling sa bansa. Kaya ba niyang gawin sa online gambling platforms ang ginawa ng administrasyon niya sa mga kontrobersyal na POGO? Hindi katulad sa isyu ng POGO, walang binanggit si PBBM tungkol sa online gambling sa kanyang huling State of the Nation Address. Bakit kaya? Nasasayangan din ba siya sa kikitain ng gobyerno mula rito? Handa ba siyang isakripisyo ang kapakanan ng mga kababayan nating nahuhumaling sa online na pagsusugal?

Mga Kapanalig, “ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng masasama at mga hangal na hangarin na nagtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan.” Akmang paalala ang mga salitang ito mula sa 1 Timoteo 6:9 para sa mga pinagkatiwalaang pangasiwaan ang ambag ng mga miyembro ng GSIS. Sa pag-invest sa online gambling, hindi malayong dalhin ng GSIS ang mga miyembro nito sa kapahamakan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 13,782 total views

 13,782 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 28,492 total views

 28,492 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 41,350 total views

 41,350 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 115,569 total views

 115,569 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 171,223 total views

 171,223 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Premyo para sa mga kaalyado?

 28,493 total views

 28,493 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 41,351 total views

 41,351 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 115,570 total views

 115,570 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 171,224 total views

 171,224 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 122,847 total views

 122,847 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 109,769 total views

 109,769 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 119,632 total views

 119,632 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 147,545 total views

 147,545 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 165,103 total views

 165,103 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
Scroll to Top