Season of creation 2025, pinaghahandaan ng Diocese of Imus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,283 total views

Naghahanda na ang Diocese of Imus para sa pagdiriwang ng Season of Creation 2025 sa Setyembre.

Tema ng Panahon ng Paglikha ngayong taon ang “Peace with Creation” o “Kapayapaan kasama ang Sangnilikha” na paanyaya sa lahat upang pagnilayan ang tungkulin sa pangangalaga sa mga nilikha ng Diyos.

Sa liham-sirkular, hinimok ni Bishop Reynaldo Evangelista ang lahat ng parokya, paaralan, at pamayanan na magsagawa ng mga programang nakatuon sa pagsusulong ng pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

“I encourage all parishes, schools, institutions, and Christian communities to participate actively by initiating activities and programs that promote ecological awareness, sustainable practices, and environmental stewardship,” ayon kay Bishop Evangelista.

Pormal na sisimulan ng diyosesis ang isang buwang pagdiriwang sa August 30, 2025, sa Laudato Si’ Farm o SVD Farm sa Tagaytay City.

Tampok dito ang maikling prusisyon sa imahen ni San Francisco ng Assisi, ang patron ng sangnilikha, na susundan ng Banal na Misa na pangungunahan ni Bishop Evangelista.

Magkakaroon din ng Agahan para sa Kalikasan, pamamahagi ng Diocese of Imus Ministry on Ecology (DIMEC) materials and resources, at pagsusumite ng Parish Season of Creation Plans and Programs.

Inaasahan ding magbabahagi ng Keynote Address si University of the Philippines – Los Baños Assistant Professor Jonathan ‘Ethan’ Hernandez.

Ang Diyosesis ng Imus ang unang naglunsad ng Season of Creation sa Pilipinas noong 2009 sa pangunguna ng noo’y Obispo ng Imus, Cardinal Luis Antonio Tagle.

Mula noon, sinundan ito ng iba pang diyosesis sa bansa bilang pagkilala sa likas na yamang handog ng Diyos at bilang panawagan na pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan.

Sa buong mundo, ipagdiriwang ang Season of Creation sa buong buwan ng Setyembre hanggang ikaapat ng Oktubre, kapistahan ni San Francisco ng Assisi ngunit, pinalawig ito sa Pilipinas hanggang sa ikalawang Linggo ng Oktubre bilang paggunita sa Indigenous People’s Sunday.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 21,725 total views

 21,725 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 72,409 total views

 72,409 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 78,538 total views

 78,538 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 107,950 total views

 107,950 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 125,519 total views

 125,519 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LLSP,nagbabala laban sa mga manloloko

 6,709 total views

 6,709 total views Nanawagan si Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha sa publiko na maging mapanuri bago makibahagi, sumuporta, magbigay ng donasyon, o kumatawan

Read More »
Scroll to Top