Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 114,922 total reads

Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government Service Insurance System (o GSIS). Ito ang katapat ng SSS na para naman sa mga nasa pribadong sektor. Pero paano kung ang perang inihuhulog ninyo sa GSIS ay ginamit para mamuhunan sa online gambling?

Ito ang natuklasan ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros. Mahigit isang bilyong piso raw ang in-invest ng GSIS sa kompanyang DigiPlus, isang online gambling platform. Naglagak ito ng investment noong ang bawat share ng kompanya ay nasa ₱65. Ngayon, nasa halos ₱14 na lang daw ito. Lugi raw ang GSIS kung gayon. Pero ang mas ipinagtataka ng senadora, bakit nag-i-invest ang GSIS sa online gambling gamit ang pera ng mga contributors nito? Kung GSIS member kayo, anong mararamdaman ninyo?

Ilang buwan na ngang laman ng balita ang online gambling. Nagsalita na pati ang ating mga obispo laban sa mga panganib ng pagsusugal gamit ang cellphone. Ilang beses nang pinuna ni Cardinal Pablo Virgilio David ang kawalan ng aksyon ng gobyerno sa online gambling. Katwiran daw ng PAGCOR, kita para sa goberno ang ipinapasok ng online na pagsusugal. Sayang naman daw ang dagdag sa pondo ng bayan kung tuluyang ipagbabawal ang online gambling. 

Ikinalulungkot ito ni Cardinal Ambo dahil sa totoo lang, mas malaki ang tinatawag na social cost ng pagsusugal. Hindi matutumbasan ng anumang kita mula sa online gambling ang pinsalang iniiwan ng pagsusugal sa buhay ng mga tao, kabilang ang mga kabataan. Nawawasak ang mga pamilya, nalulubog sa utang hanggang sa maligaw ng landas ang mga lulong sa pagsusugal, at nasisira ang kinabukasan ng mga kabataang hinahayaang gumamit ng mga online gambling apps. Walang duda, krimen ang pagsusugal, giit ni Cardinal Ambo.

Kaya nakadidismayang ang perang pinaghihirapang iimpok ng mga kawani ng gobyerno ay ginagamit para sa isang negosyong walang mabuting maidudulot. Marami namang pwedeng paglagakan ng pondo ng GSIS para lumago ito at mapakinabangan ng mga miyembro nito, pero bakit sa online gambling pa? Sa ginawang ito ng ahensya, nagiging promotor ito ng isang gawaing inaalipin ang mga tao. Inihalintulad nga ni Cardinal Ambo ang adiksyon sa online gambling sa “modern day slavery” o pang-aalipin sa makabagong panahon. 

Dahil nasa kapangyarihan nila ang bantayan ang mga ahensya ng gobyerno, dapat lamang pagtuunan ng pansin ng ating mga mambabatas ang mistulang pagtaya ng GSIS sa online gambling. Ani Senador Hontiveros, ang ginawang ito ng GSIS ay batayan na para balikan ang batas na lumikha sa ahensyang ito at ang mga pinahihintulutang paraan para tumubo ang perang ipinagkakatiwala sa kanila ng mga pampublikong manggagawa. Subaybayan natin ito, mga Kapanalig.

Samantala, hindi pa buo ang isip ni Pangulong BBM kung dapat nga bang ipagbawal na ang online gambling sa bansa. Kaya ba niyang gawin sa online gambling platforms ang ginawa ng administrasyon niya sa mga kontrobersyal na POGO? Hindi katulad sa isyu ng POGO, walang binanggit si PBBM tungkol sa online gambling sa kanyang huling State of the Nation Address. Bakit kaya? Nasasayangan din ba siya sa kikitain ng gobyerno mula rito? Handa ba siyang isakripisyo ang kapakanan ng mga kababayan nating nahuhumaling sa online na pagsusugal?

Mga Kapanalig, “ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng masasama at mga hangal na hangarin na nagtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan.” Akmang paalala ang mga salitang ito mula sa 1 Timoteo 6:9 para sa mga pinagkatiwalaang pangasiwaan ang ambag ng mga miyembro ng GSIS. Sa pag-invest sa online gambling, hindi malayong dalhin ng GSIS ang mga miyembro nito sa kapahamakan.

Sumainyo ang katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 5,740 total reads

 5,740 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 5,868 total reads

 5,868 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 11,398 total reads

 11,398 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 67,804 total reads

 67,804 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 191,306 total reads

 191,306 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 276,233 total reads

 276,233 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 11,400 total reads

 11,400 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 67,806 total reads

 67,806 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 191,308 total reads

 191,308 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top