Pagbubukas ng St.John the Baptist parish, apela ng mananampalataya kay Archbishop Jumoad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,625 total reads

Nanawagan kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang mga mananampalataya ng Saint John the Baptist Parish sa Jimenez, Misamis Occidental para muling buksan ang Simbahan na pansamantalang isinara matapos ang insidente ng sacrilege o kalapastanganan noong ika-5 ng Agosto, 2025.

Sa liham na may petsang August 11, 2025, ipinahayag ni Rev. Fr. Rolly O. Lagada – parish priest ng Saint John the Baptist Parish ang kanilang malalim na debosyon at paggalang sa Simbahan na kanilang “spiritual home” kung saan nabinyagan, nakatanggap ng mga Sakramento, at nagdiwang ng mahahalagang sandali ng pananampalataya ang mga parishioners ng parokya.

We, the faithful of Saint John the Baptist Parish, Jimenez, Misamis Occidental, humbly come before you with deep reverence and filial devotion to present our heartfelt appeal and petition for the reopening of our parish church. For many generations, our parish church has been our spiritual home, the sacred place where we were baptized, received the Sacraments, and celebrated the milestones of our faith. It has been the center of our worship, our devotions, and our works of charity.” Bahagi ng liham apela ni Fr. Lagada.
Bilang tanda ng pagkakaisa at kahandaang mabuksan at buhaying muli ang buhay-parokya, ay ibinahagi ng Pari ang aktibong pakikibahagi ng mga mananamapalataya sa lugar sa pagsasagawa ng iba’t ibang gawaing espirituwal kabilang na ang Holy Hour at Kumpisal na kabilang sa Rite of Reparation na nagsimula noong ika-7 ng Agosto, 2025 at siyam na araw na Prayer Vigil na nagsimula sa parehong araw.

Layunin nito na hingin ang awa ng Diyos, ituwid ang kasalanang ginawa laban sa kabanalan ng Simbahan, at ipanalangin ang kagalingan at pagpapanibago matapos ang naganap na paglapastangan sa Simbahan.

In response to the challenges our parish is facing, we have come together in prayer, penance, and unity. As a sign of our fidelity to the Church and our readiness to restore our parish life, the faithful have taken concrete spiritual steps… These efforts have not only deepened our faith but have also united our community in a spirit of repentance, hope, and longing to return to our parish church for the full celebration of the Holy Eucharist and the Sacraments.” Dagdag pa ni Fr. Lagada.

Inihayag rin ni Fr. Lagada ang pagtiyak ng mga mananampalataya sa kanilang buong pakikipagtulungan at pagsunod sa pamunuan ng Simbahan, kabilang na ang pangakong panatilihin ang kabanalan ng tahanan ng Diyos.

Sinabi ng Pari na umaasa ang mga mananampalataya na matapos ang isinasagawang novena at iba pang gawain para sa Rite of Reparation ay pahintulutan na ang muling pagbubukas ng kanilang Simbahan.

With humility and trust, we earnestly petition Your Exellency to grants the reopening of the Church of Saint John the Baptist. We pledge our full cooperation, obedience, and dedication to ensuring that the sacredness of the church is upheld and that our parish remains a true dwelling place of God.” Ayon pa kay Fr. Lagada.
Muli namang ipinagkatiwala ng mga mananampalataya ng Simbahan ang kanilang panalangin sa pamamagitan ng Birhen sa Cotta, patrona ng mga Misamisnon, at kay San Juan Bautista.

Matatandaang ika-5 ng Agosto, 2025 nang ipag-utos ng Arsobispo ang pagpapasara sa Simbahan matapos ang paglapastangan ng isang babaeng vlogger sa Holy Water Font ng Simbahan.

Ayon sa atas ng Arsobispo, maaari lamang pahintulutan ang muling pagbubukas sa Simbahan matapos na magawa ng mga mananampalataya sa parokya ang mga nasasaad na ‘acts of penance’ kabilang na ang pakikibahagi sa isasagawang Holy Hour of Adoration at pangungumpisal upang humingi ng kapatawaran matapos ang naging paglapastangan sa kabanalan ng Simbahan.

Muli namang pinaalalahanan ng Arsobispo ang mga mananampalataya na ang mga sagradong bagay at lugar ay daluyan ng biyaya ng Diyos at nararapat bigyang galang at pahalagahan nang buong paggalang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 19,111 total reads

 19,111 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 239,729 total reads

 239,729 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 274,402 total reads

 274,402 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 290,302 total reads

 290,302 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 325,456 total reads

 325,456 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 50,519 total reads

 50,519 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top