Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 121,317 total views

Sa kanyang ikaapat na SONA, nagalit ang pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang masaksihan sa mga evacuation center ang naglilimahid at nakakaawang sitwasyon ng mga evacuee na lumikas. Dahil sa ilang araw na pag-uulan dulot ng bagyong Crising at masamang panahon na dala ng hanging habagat., lumubog sa tubig baha ang maraming lugar sa Metro Manila at karatig na lalawigan. Natuklasan na lahat ng flood control projects na pinopondohan ng bilyun-bilyong piso kada taon sa General Appropriations Act ay mga palpak at depekto.

Sabi ng pangulo sa mga sangkot., mahiya naman kayo! Palakpakan ang mga Senador, mga Kongresista, mga opisyal ng gobyerno, mga kontratista. Pumalakpak ang mga walanghiya., marami sa mga nagbunyi ay kasabwat sa iregularidad ng mga flood control project. Nangako na naman ang pangulo sa harap ng taumbayan., wala siyang sasantuhin. Napag-isipan kaya ng pangulong Marcos ang kanyang sinasabi?

Alam na ngayon ng Presidente ang mga kontraktor, mga opisyal ng DPWh, mga mayor., mga congressman na nagsabwatan sa mga depektibong flood control projects. Pero ayaw ng pangulong Marcos na isapubliko kung sino-sino ang mga ito. Bakit kaya? Wala ding marching order sa DOJ, sa Ombudsman na imbestigahan at kasuhan ang mga nagpasasa sa pera ng bayan? May ikinatatakot ba ang pangulo?

67 na miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay sinasabi ni Senador Panfilo Lacson na kontraktor mismo ng kanilang proyekto na pinopondohan ng gobyerno simula pa noong 2023. May nagbulong daw kay Lacson, 50-proyekto ang sabay-sabay na ginagawa sa iisang lugar., nagkakahalaga ito ng 2.5-bilyong piso, pero ang kuwento., iisang back hoe lamang ang palipat-lipat na kunyari nagbubungkal. Walanghiya nga naman talaga!

Dahil medyo tumatahimik na ang alingasaw sa mga flood control project na nababalot ng korapsyon., to the rescue naman ang Mababang Kapulungan ng Kongreso. Binuo ang “tri-committee” na binubuo ng House committee on Public Accounts., Public Works at Good Government na siyang mangunguna sa imbestigasyon sa sinasabing anomalya sa mga flood control project sa buong bansa.

Sa ngayon, nakaantabay ang Kamara sa listahan ng lahat ng infrastructure project na sinasabing isusumite ng DPWH sa presidente ng Pilipinas. Saklaw daw ng imbestigasyon ang mga nakumpleto,hindi natapos, naantala, substandard at ghost projects.
Napabuntong-hininga ka ba Kapanalig, mag-iimbestiga ang Kamara, iimbestigahan nila ang 67-nilang (kabaro) o miyembro na baka kasapi pa sa tatlong kumite? Sabagay, in-aid of legislation lang naman.
Itinuturo ngayon ng Kamara si Senador Lacson at Baguio Mayor Benjamin Magalong na maglabas ng mga katibayan, magpatunay sa ibinunyag nilang katiwalian sa flood control projects ng pamahalaan. OO nga naman, ang sinasabing burden of proof ay laging nasa “whistle blowers” .

Pero sino ba ang dapat, anong mga ahensiya ang trabaho ay mag-imbestiga at magpapataw ng parusa ng mga sangkot sa iregularidad? Bakit kaya walang kumikilos na ahensiya ng pamahalaan? Mayroon bang pumipigil sa mga ahensiya ng gobyerno na ito na magmasid lamang?

Kapanalig, ang kasamaan ay laging merong hangganan at kabayaran.

Nais nating ibahagi ay sinasabi ng “2 Corinthians 11:13-15– For such men are false apostles, deceitful workmen, disguising themselves as apostles of Christ. And no wonder, for even Satan disguises himself as an angel of light. So it is no surprise if his servants, also, disguise themselves as servants of righteousness. Their end will correspond to their deeds.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 19,608 total views

 19,608 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 40,589 total views

 40,589 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 63,017 total views

 63,017 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 236,534 total views

 236,534 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 212,821 total views

 212,821 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Konkretong paraiso?

 19,609 total views

 19,609 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 40,590 total views

 40,590 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 63,018 total views

 63,018 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 236,535 total views

 236,535 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »
Scroll to Top