ConCon, ipinapanawagan ng isang mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,420 total reads

Nanawagan si Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) chairman Ronaldo Puno sa pagsasagawa ng isang constitutional convention (ConCon) para muling pag-aralan at ayusin ang 1987 constitution upang alisin ang matagal nang malalabong probisyon at mga pagkukulang na nagpapahina sa batas at sa tiwala ng taumbayan.

Sa kanyang privilege speech sa Kamara, binigyang-diin ni Puno na ang ConCon ang pinakamabuti, malinaw, at may pinakamaraming nakikilahok na paraan upang maitama ang probisyon at maipatupad ang kinakailangang reporma.

“Today, I submit to this august chamber that while the provisions of our Constitution are noble in aspiration, certain provisions are marked by ambiguity and procedural deficiency. These deficiencies do not merely complicate interpretation; they obstruct reform, hinder effective governance, and erode public trust,” ayon kay Puno.

Paglilinaw ng mambabatas, ang panukala ay hindi upang ipagwalang-bahala ang Konstitusyon, sa halip ay upang buuin at ayusin ito.

Ayon kay Puno, ang ConCon ay magbibigay sa mamamayan ng pagkakataon na “itama ang mga pagkukulang sa teksto, pag-isahin ang mga magkasalungat, alisin ang mga hindi malinaw, gawing permanente ang mga kinakailangang reporma, at tiyakin na ang batayang batas ng bansa ay akma sa pangangailangan ng isang masigla at demokratikong lipunan.“
Sinabi ng mambabatas na sa ConCon ay may malinaw at iisang layunin, at hindi mahahati ang atensyon ng mga delegado sa paggawa ng batas, oversight, o impeachment.
Dagdag pa niya, maiiwasan ang conflict of interest, masisiguro ang mas malawak na representasyon, at mababawasan ang panganib ng mga desisyong pabor lamang sa pulitika.

Bilang halimbawa ng mga hindi malinaw o tumpak na probisyon, na tinukoy ni Puno ang salitang “forthwith” sa impeachment rules na naging sanhi ng “deadlock and controversy”; Walang malinaw na sistema kung paano pipiliin ang “representative of Congress” sa Judicial and Bar Council sa ilalim ng bicameral legislature; Kakulangan ng linaw kung joint o separate vote ang kailangan sa batas ukol sa tax exemptions; Kawalan ng tiyak na proseso sa pagbibigay ng presidential amnesty kung joint o separate voting at paulit-ulit na pagpapaliban ng barangay elections.

“A Constitution that allows repeated legislative interference in electoral timelines, without limit, is a Constitution vulnerable to manipulation,” ayon kay Puno.
Binigyang-diin niya na bilang pangunahing batas ng bansa, dapat malinaw, matatag, at madaling maunawaan ang Konstitusyon ng hukuman, mambabatas, at lahat ng mamamayan na pinangangalagaan ang karapatan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 5,010 total reads

 5,010 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 5,138 total reads

 5,138 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 10,128 total reads

 10,128 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 66,532 total reads

 66,532 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 190,036 total reads

 190,036 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 275,017 total reads

 275,017 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 5,012 total reads

 5,012 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 5,140 total reads

 5,140 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top