5-reporma sa pagpasa ng pambansang budget, ipapatupad ng Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,313 total reads

Limang reporma sa proseso ng pagpapasa at pagpapatupad ng taunang pambansang budget para sa susunod na taon ang ipapatupad ng Mababang Kapulungan upang matiyak ang transparency sa pagkakagastusan ng pondo ng bayan.

Ito ang inihayag ni House Speaker Martin Romualdez sa ginanap na turnover ceremony ng National Expenditure Program (NEP)—na nagkakahalaga ng P6.793 trilyong panukalang budget ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa 2026—na isinagawa ng Department of Budget and Management (DBM) sa pangunguna ni Secretary Amenah Pangandaman.

“A budget is not just a spending plan—it is a mirror of our priorities and a measure of our accountability to the people. And because this is the people’s money, the process of crafting it must be transparent, inclusive, and worthy of public trust,” ani Speaker Romualdez.

Kabilang sa limang repormang ipatutupad ng Kamara ang mga sumusunod:
1. Pag-alis ng “small committee” na dati’y binubuo matapos maaprubahan ang budget upang magtipon ng institutional amendments.

2. Pagbubukas sa publiko at media ng House-Senate conference para pagtugmain ang kani-kanilang bersyon ng budget.

3. Pag-imbita sa civil society, people’s organizations, at pribadong sektor upang makibahagi sa budget hearings.

4. Pagpapalakas sa oversight function ng Kamara sa pagpapatupad ng budget, kabilang ang obligadong agarang ulat mula sa mga ahensya at real-time tracking ng malalaking proyekto.

5. Pagbibigay-prayoridad sa mga pamumuhunang tunay na nagpapabago ng buhay gaya ng agrikultura para sa food security, imprastruktura para sa konektibidad at trabaho, edukasyon para sa oportunidad, kalusugan para sa lahat, at depensa at kahandaan sa sakuna para sa pambansang seguridad.

Binanggit ng pinuno ng Kamara na ang mga reporma ay hindi layuning pabagalin ang proseso, kundi upang gawing mas maayos, mas matatag, at mas mapagkakatiwalaan.

Sinabi rin niya na ang turnover ng NEP mula sa Ehekutibo papuntang Kongreso ay hindi lamang pormalidad Kundi ay unang hakbang para gabayan kung paano pagsisilbihan ng gobyerno ang mga Pilipino sa susunod na taon.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 4,206 total reads

 4,206 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 4,334 total reads

 4,334 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 8,808 total reads

 8,808 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 65,212 total reads

 65,212 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 188,716 total reads

 188,716 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 273,778 total reads

 273,778 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 4,207 total reads

 4,207 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 4,335 total reads

 4,335 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top