Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,845 total reads

Homily fot the Feast of the Queenship of Mary, 22 Aug 2025, Lk 1:26-38

May isang Marian song, parang oyayi ang dating. Pakiramdam ko parang pinaghehele ako. At ito ang musikang gumabay sa imahinasyon ko kaninang umaga habang nagninilay sa larawan ng Mahal na Ina: “Gentle woman,
Quiet light
Morning star,
So strong and bright
Gentle Mother,
Peaceful dove
Teach us wisdom,
Teach us love.”

Parang binuksan ng kanta ang aking imahinasyon sa panalangin kaninang umaga. Ang unang nakita ko ay eksena sa Nazareth, takipsilim.

Tahimik ang bahay. Isang kabataang babae, nagtutupi ng damit, bumubulong ng dasal na natutunan sa nanay niya. Walang spotlight. Walang drumroll. Dumating ang anghel. Hindi sumigaw si Maria. Nakinig siya at nagtanong, at pagkatapos magnilay, binitawan ang tahimik na fiat: “Mangyari nawa.”

Ganito kung sumikat ang liwanag ng Diyos—hindi maingay, pero malinaw. Sa sobrang ingay ng mundo, baka ang kailangan natin ay hindi sigaw, hindi malakas na boses, kundi tahimik at mahinahong pakikinig: sa Salita, sa kalooban, sa isa’t isa. Ito ang unang itinuturo sa atin ni Maria: ang pagtalima ay nagsusimula sa pakikinig.

Pangalawang eksena: sa Judea, sa bandang gitna ng umaga.

Nagdadalang-tao na si Maria. Nagmamadali siyang bumisita kay Elizabeth. Walang sermon, walang programa—isang simpleng presensya. Pero pagdating niya, sumiklab ang tuwa; tumalon ang bata; napuno ang bahay ng pag-asa.

Ito sng kasunod na pahayag ng kanta: “Morning star… so strong and bright.”

Ganyan ang pag-asa. Minsan hindi naman diskurso ang kailangan; kundi simpleng pagdating o pag-antabay. Isang simpleng “Kumusta?” Isang yakap. Isang mangkok ng mainit na lugaw. Isang bukas na kamay na ang mensahe ay, “narito ako”.

Pangatlong eksena, sa kasalan sa Cana, Galilea. Tawanan, tugtugan—tapos biglang panic. Naubusan ng alak. Nakakahiya. Walang himalang dramatic na gagawin si Maria; walang eksena. Mahinang bulong lang: “Wala na silang alak.” At sa mga katulong: “Gawin ninyo ang sasabihin Niya.”

Ito ang kasunod na linya ng kanta: “Teach us wisdom, teach us love.”

This is Mary’s wisdom: she notices the lack and brings it to Jesus. Hindi tsismis—intercession. Hindi panggugulo—pag-aayos. At kapag sinabi Niya, “Fill the jars,” we fill them, kahit ordinaryo, kahit nakakapagod. Because ordinary obedience often becomes extraordinary grace.

Pang-apat na eksena, Golgotha, malapit na ang gabi.

Wala nang alak; umaagos ang luha. Sa paanan ng Krus, nananatili si Maria. Walang spotlight dito; only faith that doesn’t run away. Dito tayo ginawang pamilya: “Behold your mother… behold your son.”

Balik tayo sa kanta:
You were chosen
By the Father
You were chosen
For the son
You were chosen
From all women
And for woman
Shining one

Pinili si Maria hindi para sa pedestal, kundi para sa paglilingkod na nagtatagal. Kapag tayo ay “pinili”—magulang, guro, lider, pari o madre—hindi ito status; ito ay pagkakatiwala. The question is never “How do I look?” but “Sino ang ipinagkatiwala sa akin ngayon, at paano ko dadalhin si Jesus sa kanila?”

Huling eksena: Pentecostes, upper room.

Tahimik na dasal, sabay-sabay. Si Maria naroon, hindi bida, pero kasama. Dumating ang Espiritu—apoy sa mga dila, tapang sa mga puso. Dito ko mas naintindihan ang “quiet light”: hindi kahinaan; ito ang lakas ng pusong marunong makinig kaya handang sumunod.

Mga kapatid, si Maria ang tahimik na liwanag na nagtuturo kay Kristo, ang tala ng umaga na nauuna sa pag-asa, ang ina na hindi umaalis kahit sa paanan ng Krus. Hingin natin ang kanyang puso—hindi para sa atin lang, kundi para kay Jesus, para sa mga kabataan, sa mahihirap, at sa ating bayan.

“Gentle woman, quiet light… Morning star, so strong and bright… Gentle Mother, peaceful dove… Teach us wisdom, teach us love.”

Amen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,028 total reads

 77,028 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,771 total reads

 111,771 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,071 total reads

 147,071 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,340 total reads

 373,340 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,567 total reads

 262,567 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 14,230 total reads

 14,230 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 19,875 total reads

 19,875 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 19,143 total reads

 19,143 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top