We condemn every action that destroys our environment

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,130 total views

Ito ang binigyang-diin ni Bangued Bishop Leopoldo Jaucian sa kanyang pastoral statement na “An Urgent Call for Environmental Stewardship in Abra,” bilang paninindigan ng Diyosesis ng Bangued laban sa large-scale mining sa lalawigan, partikular sa Licuan-Baay.

Ayon kay Bishop Jaucian, ang Yamang Mineral Corporation, na namamahala sa malawakang pagmimina sa lalawigan, ay nakakuha ng Authority to Verify Minerals nang hindi kumukuha ng Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) mula sa mga katutubo.

“This is a violation not only of due process but also of their fundamental rights and dignity. Such disregard for law and community raises deep concerns about credibility, respect, and justice,” ayon kay Bishop Jaucian.

Nagbabala si Bishop Jaucian na hindi lamang Licuan-Baay ang maaapektuhan kundi maging ang Malanas at Baay Rivers na dumadaloy sa Abra River, na nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng tubig sa lalawigan.

Aniya, ang pagmimina ay magdudulot ng kontaminasyon, pagbaha, at pagkasira ng kalikasan, na labis na magpapahirap sa mamamayan.

“What harms one part of Abra, harms us all… Large-scale mining devastates the land, poisons our waters, endangers health, and destroys livelihoods. Its damage cannot be undone,” saad ni Bishop Jaucian.

Iginiit ng obispo, ang pansamantalang pakinabang ay hindi dapat ipagpalit sa pangmatagalang halaga ng kalinisan ng tubig, matabang lupa, at malusog na pamayanan.

Una nang hiniling ng National Anti-Poverty Commissions (NAPC) Regional Basic Sector Coordinating Council (RBSCC) sa Cordillera Region na ipawalang-bisa ang Authority to Verify Minerals sa Yamang Mineral Corporation dahil sa kawalan ng konsultasyon sa mga apektadong katutubo sa Abra.

Nananawagan din ang diyosesis sa mga lokal na opisyal at ahensya ng pamahalaan na pairalin ang batas na mangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng mamamayan.

“We call upon all local government officials and government agencies to act with courage and integrity: enforce laws, protect natural resources, and defend the rights of our people,” giit ni Bishop Jaucian.

Hinikayat din ni Bishop Jaucian ang mga Abreño na magkaisa upang mapanatili ang kalikasan para sa kapakanan ng kasalukuyan at ng mga susunod na henerasyon.

“If we remain silent, our children and their children will suffer… Let us be united in faith and in action. Let us choose life, justice, and stewardship. And may our collective “yes” to God’s gift of creation become the lasting legacy we pass on to future generations,” ayon sa obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 16,795 total views

 16,795 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 67,479 total views

 67,479 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 73,608 total views

 73,608 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 103,153 total views

 103,153 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 121,152 total views

 121,152 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LLSP,nagbabala laban sa mga manloloko

 6,345 total views

 6,345 total views Nanawagan si Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha sa publiko na maging mapanuri bago makibahagi, sumuporta, magbigay ng donasyon, o kumatawan

Read More »
Scroll to Top