Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,264 total views

Homily fot the Feast of the Queenship of Mary, 22 Aug 2025, Lk 1:26-38

May isang Marian song, parang oyayi ang dating. Pakiramdam ko parang pinaghehele ako. At ito ang musikang gumabay sa imahinasyon ko kaninang umaga habang nagninilay sa larawan ng Mahal na Ina: “Gentle woman,
Quiet light
Morning star,
So strong and bright
Gentle Mother,
Peaceful dove
Teach us wisdom,
Teach us love.”

Parang binuksan ng kanta ang aking imahinasyon sa panalangin kaninang umaga. Ang unang nakita ko ay eksena sa Nazareth, takipsilim.

Tahimik ang bahay. Isang kabataang babae, nagtutupi ng damit, bumubulong ng dasal na natutunan sa nanay niya. Walang spotlight. Walang drumroll. Dumating ang anghel. Hindi sumigaw si Maria. Nakinig siya at nagtanong, at pagkatapos magnilay, binitawan ang tahimik na fiat: “Mangyari nawa.”

Ganito kung sumikat ang liwanag ng Diyos—hindi maingay, pero malinaw. Sa sobrang ingay ng mundo, baka ang kailangan natin ay hindi sigaw, hindi malakas na boses, kundi tahimik at mahinahong pakikinig: sa Salita, sa kalooban, sa isa’t isa. Ito ang unang itinuturo sa atin ni Maria: ang pagtalima ay nagsusimula sa pakikinig.

Pangalawang eksena: sa Judea, sa bandang gitna ng umaga.

Nagdadalang-tao na si Maria. Nagmamadali siyang bumisita kay Elizabeth. Walang sermon, walang programa—isang simpleng presensya. Pero pagdating niya, sumiklab ang tuwa; tumalon ang bata; napuno ang bahay ng pag-asa.

Ito sng kasunod na pahayag ng kanta: “Morning star… so strong and bright.”

Ganyan ang pag-asa. Minsan hindi naman diskurso ang kailangan; kundi simpleng pagdating o pag-antabay. Isang simpleng “Kumusta?” Isang yakap. Isang mangkok ng mainit na lugaw. Isang bukas na kamay na ang mensahe ay, “narito ako”.

Pangatlong eksena, sa kasalan sa Cana, Galilea. Tawanan, tugtugan—tapos biglang panic. Naubusan ng alak. Nakakahiya. Walang himalang dramatic na gagawin si Maria; walang eksena. Mahinang bulong lang: “Wala na silang alak.” At sa mga katulong: “Gawin ninyo ang sasabihin Niya.”

Ito ang kasunod na linya ng kanta: “Teach us wisdom, teach us love.”

This is Mary’s wisdom: she notices the lack and brings it to Jesus. Hindi tsismis—intercession. Hindi panggugulo—pag-aayos. At kapag sinabi Niya, “Fill the jars,” we fill them, kahit ordinaryo, kahit nakakapagod. Because ordinary obedience often becomes extraordinary grace.

Pang-apat na eksena, Golgotha, malapit na ang gabi.

Wala nang alak; umaagos ang luha. Sa paanan ng Krus, nananatili si Maria. Walang spotlight dito; only faith that doesn’t run away. Dito tayo ginawang pamilya: “Behold your mother… behold your son.”

Balik tayo sa kanta:
You were chosen
By the Father
You were chosen
For the son
You were chosen
From all women
And for woman
Shining one

Pinili si Maria hindi para sa pedestal, kundi para sa paglilingkod na nagtatagal. Kapag tayo ay “pinili”—magulang, guro, lider, pari o madre—hindi ito status; ito ay pagkakatiwala. The question is never “How do I look?” but “Sino ang ipinagkatiwala sa akin ngayon, at paano ko dadalhin si Jesus sa kanila?”

Huling eksena: Pentecostes, upper room.

Tahimik na dasal, sabay-sabay. Si Maria naroon, hindi bida, pero kasama. Dumating ang Espiritu—apoy sa mga dila, tapang sa mga puso. Dito ko mas naintindihan ang “quiet light”: hindi kahinaan; ito ang lakas ng pusong marunong makinig kaya handang sumunod.

Mga kapatid, si Maria ang tahimik na liwanag na nagtuturo kay Kristo, ang tala ng umaga na nauuna sa pag-asa, ang ina na hindi umaalis kahit sa paanan ng Krus. Hingin natin ang kanyang puso—hindi para sa atin lang, kundi para kay Jesus, para sa mga kabataan, sa mahihirap, at sa ating bayan.

“Gentle woman, quiet light… Morning star, so strong and bright… Gentle Mother, peaceful dove… Teach us wisdom, teach us love.”

Amen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 15,892 total views

 15,892 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 66,576 total views

 66,576 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 72,705 total views

 72,705 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 102,271 total views

 102,271 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 120,347 total views

 120,347 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 891 total views

 891 total views Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 68,139 total views

 68,139 total views Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »

ANG SUGO AT NAGSUGO

 18,431 total views

 18,431 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 22,304 total views

 22,304 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »
Scroll to Top