Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 126,627 total reads

Mga Kapanalig, hanggang kailan pa magdurusa ang mga inosente sa nagpapatuloy pa ring digmaan sa Gaza?

Kamakailan, inaprubahan ng gobyerno ng Israel ang planong magpadala ng humigit-kumulang 60,000 reservist troops sa Gaza. Ayon sa Israeli military, magsisimula na ang isang bagong yugto ng labanan na tinawag nitong “gradual, precise, and targeted operation” sa loob at paligid ng siyudad. Kukubkubin na nila ang Gaza. Dahil dito, mukhang malabong matapos agad ang labanan.

Bilang sagot sa planong ito, sinabi ng mga militanteng Palestino na ang ginawang ito ng Israel ay “blatant disregard” o lantarang pagsasantabi sa mga pagsisikap na magkaroon ng ceasefire o tigil-putukan. Mukhang malabo na ring magkaroon ng kasunduan para palayain ang mga bihag sa halos dalawang taon nang sigalot. Habang tumatagal ang digmaan, mas maraming bata, matatanda, at iba pang inosenteng sibilyan ang nagdurusa.

Maraming mga bansa na, kabilang ang Pilipinas, ang nagsalita laban sa plano ng Israel. Sa isang pahayag na inilabas ng ating Department of Foreign Affairs noong Agosto 25, nanawagan ito ng agarang pagtigil sa lumalalang “humanitarian catastrophe” sa Gaza at ipinahayag ang matinding pagkabahala sa mga panibagong hakbang ng Israel.

Ayon sa United Nations, nakararanas na ang mga nasa Gaza ng famine o taggutom. Kalahating milyong tao ang dumaranas ng matinding kakulangan sa pagkain, malnutrisyon, at kamatayan dahil sa gutom. Ang patuloy na pagharang sa pagkain at iba pang pangangailangan ng mga Palestino ay nagbunga ng tinawag ni UN Secretary-General Antonio Guterres na isang “man-made disaster, moral indictment, and a failure of humanity itself.”

Sa digmaan, palaging ang mga inosente ang nagiging pangunahing biktima, kasama ang mga tinatawag na frontliners o ang mga sumusuong sa panganib para lang tumulong sa mga biktima. Nitong mga nakaraang linggo, dalawang beses na umatake ang Israel sa isang ospital sa Gaza. Kumitil ito ng 20 katao, kabilang ang mga mamamahayag at health workers. Nakababahala ang patuloy na pagdami ng mga mamamahayag na nasawi sa habang ginagawa ang kanilang trabaho. Ayon sa Committee to Protect Journalists (o CPJ), mahigit 190 na ang namatay sa loob ng halos dalawang taon nang digmaan. Nakaaalarma ito dahil ang mga mamamahayag ang nagsisilbing mata ng mundo sa mga nangyayari sa Gaza. Sa bawat kaso ng pagkamatay ng mga mamamahayag, lalong nalalagay sa panganib ang katotohanan.

Ayon sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti,We can no longer think of war as a solution, because its risks will probably always be greater than its supposed benefits.” Nanawagan din ang Latin at Greek Orthodox Patriarchs of Jerusalem ng agarang pagtatapos ng karahasan sa Gaza. Wala silang nakikitang magbibigay-katwiran sa anila’y “deliberate and forcible mass displacement of civilians.” Ngayon, higit kailanman, napakahalaga ng isang ceasefire o tigil-putukan.

Bakit kailangan nating magkaroon ng pakialam sa isang trahedyang nangyayari sa kabilang panig ng mundo? Ang anumang paglapastangan sa dignidad ng isang tao ay paglapastangan din sa dignidad ng lahat. Ang pagpatay sa mga bata at mamamahayag, gayundin ang pagharang sa pagkain, gamot, gasolina, at iba pang tulong, ay dapat kundenahin. Hindi kailanman dapat palampasin ang war crimes. Sinasabi sa Kawikaan 11:21: “Ang taong masama’y ‘di makakaligtas sa kaparusahan, ngunit hindi maaano ang nabubuhay sa katuwiran.” Paalala ito na sa huli, ang nasa likod ng kasamaan ay pananagutin.

Mga Kapanalig, sa harap ng bagong plano ng Israel para ganap na kubkubin ang Gaza, tila lalo pang lumalayo ang daan tungo sa kapayapaan. Sa gitna ng lahat ng ito, ang mga inosente pa rin ang tunay na biktima ng digmaan. Mabuti at nagsalita na ang ating pamahalaan. Tayo naman ay hinihilingang patuloy na ipanalangin ang kapayapaan sa Gaza.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 20,039 total reads

 20,039 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 54,352 total reads

 54,352 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 90,834 total reads

 90,834 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 109,046 total reads

 109,046 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 192,312 total reads

 192,312 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 20,041 total reads

 20,041 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 54,354 total reads

 54,354 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 90,836 total reads

 90,836 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 109,048 total reads

 109,048 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top