Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo, nanawagan sa mamamayan na magkaisa laban sa corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,122 total views

Nanawagan si Bishop Danilo B. Ulep ng Batanes na magkaisa ang sambayanan laban sa korapsyon na patuloy na nagpapahirap sa bansa.

Binigyang-diin ng obispo sa kaniyang pastoral letter na may titulong “Choose God, Reject Corruption”-na ang katiwalian ay isang kasalanang mabigat sa Diyos at krimen laban sa taumbayan.

Pinuna ng obispo ang mga opisyal ng gobyerno na umaabuso sa kapangyarihan at paalala niyang ang posisyon sa gobyerno ay dapat ituring na pananagutan, hindi pribilehiyo.

“We speak plainly and clearly: government officials, both in the national, as well as in the local level, who tolerate, participate in, or profit from corruption commit a mortal offense against God and the people at large. Public office is not a personal entitlement—it is a sacred trust. When leaders enrich themselves at the expense of the people, they turn their backs on justice and side with oppression,” ayon pa sa liham pastoral ni Bishop Ulep.

“Corruption survives not only because of the greed of the corrupt but also because of the silence of the people. When we accept bribes, “fix” documents for a fee, or tolerate the immoral practice of others because of money or favors, we are complicit and an accessory in this sin. Silence in the face of injustice is consent to the crime.”

Binatikos din ng obispo ang pananahimik ng mga mamamayan na nakikitang nakikinabang o pumapayag sa suhol, palakasan, at paghingi ng pabor.

Nanawagan si Bishop Ulep sa mga tiwaling opisyal na magsisi, ibalik ang kanilang ninakaw, at piliing maglingkod nang may katapatan.

Hinikayat din ng obispo ang taumbayan na ipaglaban ang katotohanan, suportahan ang mabuting pamamahala, protektahan ang mga whistleblower, at ituro ang katapatan sa mga susunod na henerasyon.

“Every stolen peso is bread taken from a hungry child, medicine withheld from the sick, a home never rebuilt for a family in need, a classroom intended for children in need of a shelter for them to study,” ayon pa sa pahayag ng prelature.

Ang panawagan ng obispo ng simbahan ay kasabay na rin sa isinasagawang pagdinig ng Senado kaugnay sa mga maanomalya at nawawalang proyekto sa flood control ng Department of Public Works and Highways.

Kabilang sa mga inanyayahan sa pagdinig ang 15 contractors na may pinakamaraming nakuhang proyekto sa pamahalaan, kabilang na ang pag-aaring kompanya ni dating Pasig Mayoral candidate na si Cezara Rowena, na mas kilala bilang si Sara at asawa nitong si Pacifico Discaya.

Magsisimula naman bukas Sept. 2 ang gagawing pagdinig ng Mababang Kapulungan sa parehong usapin na pangungunahan ng House Infrastructure Committee.

Kasabay nito, nagtatag din ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang independent commission na magsisiyasat sa mga iregularidad sa mga flood control project, kabilang ang pagtukoy ng anomalya at rekomendasyon para sa pananagutan ng mga sangkot.

Ang imbestigasyon ay nag-ugat sa pagbubunyag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong kaugnay sa katiwalian sa mga flood control projects na nagsasangkot sa mga pulitiko, contractors, at mga opisyal ng DPWH, gayundin ang malawakang pagbabaha hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa iba’t ibang panig ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 27,952 total views

 27,952 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 95,440 total views

 95,440 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 116,505 total views

 116,505 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 138,907 total views

 138,907 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 174,439 total views

 174,439 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top