Pagtanggap ng tulong mula sa maling gawain, panggigisa sa sariling mantika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,942 total reads

Tinawag ng opisyal ng simbahan bilang “paggigisa sa sariling mantika” ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad mula sa pera o resources na nagmula sa katiwalian, mapaminsalang proyekto, o iba pang tiwaling gawain.

Ayon kay Fr. Edu Gariguez, executive secretary ng Calapan Diocesan Social Action Center, hindi sapat ang ganitong uri ng tulong, lalo na pinsalang dulot sa mga biktima ng malawakang pagbaha dahil sa hindi tamang paggamit ng pondo ng bayan.

“Dahil yung perang nagmula sa masama ay hindi dapat na… sabi nga natin na parang ginigisa tayo sa sarili nating mantika. Na ginagamit na pagtulong. Ang nangyayari, naghuhugas kamay sa mas higit na napakalaking pinsala. At ito ay morally wrong. Hindi ito tama, hindi ito makatwiran,” ayon kay Fr. Gariguez sa panayam ng Radyo Veritas.

Ipinahayag din niya na matagal nang naninindigan ang simbahan laban sa mga nakakasirang proyekto sa kalikasan, at mayroong tinatawag na non-acceptance policy na ipinatupad upang hindi tumanggap ng tulong mula sa mga mapaminsalang gawain o korupsyon.

“Talagang kinikilala nating malinaw sa simbahan na talagang mali ang tumanggap ng mga perang nagmumula sa mga nakakasirang proyekto, hindi lamang galing sa pagmimina, kundi maging sa iba pang tiwaling pinagmumulan, lalo’t higit sa tinatawag na corruption. Kaya nga ang tindig ay ‘non-acceptance’, hindi pagtanggap,” paliwanag ng pari.

Taong 2022 nang ilabas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pastoral statement on ecology na may titulong “A call for unity and action amid a climate emergency and planetary crisis,” kung saan bahagi ng napagkasunduan ng kalipunan ng mga obispo na tanggihan ang mga donasyon mula sa pagmimina at iba pang “nakakasirang” industriya.

Dagdag pa ni Fr. Gariguez, sa panahon ngayon, milyon-milyong piso ang napupunta sa bulsa ng iilan, samantalang ang mga tao ay lugmok sa kahirapan.

“Ang pera na nagmula sa masama ay hindi dapat gamiting panghugas kamay sa kaunti nilang pagbibigay, sa tinatawag nating charity works na kung tutuusin ay napakakaunti kumpara sa kanilang nakuhang pera,” ayon sa pari.

Aniya, ang simbahan ay hindi dapat maging kasangkapan sa paglilinis ng reputasyon ng mga tiwali. “Kaya dapat ang simbahan maging consistent, tapat at malinaw na naninindigan sa kaniyang makapropetang papel. Magsalita at manindigan,” dagdag niya.

Kasabay nito, isinasagawa ng Kamara at Senado ang imbestigasyon kaugnay sa mga substandard at ghost flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na kinasasangkutan ang ilang kontratista, pulitiko, at opisyal ng kagawaran. Layunin ng imbestigasyon na mapanagot ang mga sangkot at masiguro na hindi mauulit ang pagkasira ng kalikasan at panganib sa publiko.

Iginiit ni Fr. Gariguez ang kahalagahan ng malinaw na paninindigan ng simbahan at lipunan laban sa katiwalian at paggamit ng tulong para itago ang kasamaan: “Hindi dapat tayo maging kasangkapan sa ganitong kasakiman at kasamaan para lamang tumulong sa maliit na bahagi ng lipunan, kasi malaki ang kasamaang nagagawa at gusto lamang nilang linisin ng kaunti ang kanilang pangalan ng paggawa ng kaunting kabutihan.”

Si Fr. Gariguez, na kilala bilang environmentalist ay naglingkod ng 10-taon bilang executive secretary ng CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace. Siya rin ay ginawaran ng Goldman Environmental Prize noong 2012 dahil sa kanyang pagtindig at pagpapahayag ng protesta para sa karapatan ng mga katutubong komunidad laban sa malalaking proyekto ng pagmimina sa Pilipinas.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 36,807 total reads

 36,807 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 29,280 total reads

 29,280 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 64,690 total reads

 64,690 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 166,513 total reads

 166,513 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 207,072 total reads

 207,072 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 226,438 total reads

 226,438 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top