29,489 total views
Ipinagdarasal ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na makonsensya, magsisi at magbayad puri ang mga sangkot sa katiwalian.
Sa inilabas na liham sirkular, hinimok ng Obispo ang mga nasa likod ng flood control project scam na lumantad, ihayag ang katotohanan at itama ang pagkakamali.
Inihayag ng Obispo na ang pagkakaroon ng konsensya ay unang hakbang upang mabatid ng mga sangkot sa katiwalian ang kamalian, magsisi at humingi ng kapatawaran sa panginoon.
“The time for silence has passed. To those who have erred: step forward. Speak truth. Restore what has been taken. The time for repentance is now-not tomorrow, not when it is convenient. Let justice begin with you.” ayon sa liham sirkular ni Bishop Santos.
Hinimok din ni Bishop Santos ang mga sangkot sa katiwalian na ibalik ang perang ninakaw at makiisa sa mga isinasagawang imbestigasyon.
Tiwala ang Obispo na magkaroon ng tapang ang mga nakagawa ng kasalanan na magbago at magbalik-loob sa panginoon.
“Let us not sweep injustice under the rug, for even rugs wear thin. Let us instead sweep our hearts clean and renew our commitment to servant leadership. For what does it profit a man to gain billions in contracts, and yet lose his soul” (cfr Mark 8:36).
Umaasa si Bishop Santos na maghahari ang katarungang panlipunan laban sa katiwalian at korapsyon na nagpapahirap sa taumbayan.
“May the Spirit of truth guide our nation. May those who have erred find the courage to repent. And may justice, like a mighty river, flow through our land-not as floodwaters of destruction, but as living waters of hope,” bahagi ng liham sirkular ni Bishop Santos.
Ipinaalala din ng Obispo sa mga Pilipino at mga pastol ng simbahan na maging mapagmasid at kumilos sa mga nangyayaring katiwalian upang agad na matugunan.






