Katiwalian sa flood control projects, pangwawasak sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,941 total reads

Mariing kinondena ng Church Leaders Council for National Transformation ang malawakang katiwalian sa mga flood control project ng bansa na tinawag nilang ‘pangwawasak ng kabuhayan ng bansa at lubos na kasamaan.’

Pinangunahan nina Bishop Colin Bagaforo ng Caritas Philippines, Bishop Robie Gaa ng Novaliches, at Bishop Efraim Tendero ng Evangelical Churches of the Philippines, inilabas ng konseho ang kanilang pahayag matapos ibunyag ni Senador Panfilo Lacson na bilyong pisong pondo para sa mga flood control projects ang nauwi sa mga ghost project, mababang kalidad na imprastraktura, at palakasan system.

Ayon sa ulat, tinatayang apatnapung porsiyento lamang ng pondo ang tunay na nagamit para sa nararapat nitong layunin.

Ayon kay Bishop Bagaforo, ang iskandalong ito ang dahilan kung bakit patuloy na lumulubog sa baha ang mga siyudad, mas matindi ang pinsala tuwing may bagyo, at may mga inosenteng buhay na nasasawi.

“This scandal has left our cities submerged, amplified the devastation of typhoons, and claimed innocent lives. It is a betrayal of the people’s dignity,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Iginiit naman ni Bishop Gaa, bawat pisong nananakaw ay buhay na nalalagay sa panganib at bawat tiwaling kasunduan ay baha na sumisira sa kinabukasan ng bansa.

“Every peso stolen is a life put at risk. Every corrupt deal is a flood that submerges our nation’s future,” ayon naman kay Bishop Gaa.

Binigyang-diin ng konseho ang turo ng Simbahan na ang korapsyon ay tuwirang nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan at mas mabigat na pasanin sa mahihirap.

Kasabay ng Season of Creation, nanawagan ang mga obispo sa publiko na manindigan para sa transparency, igiit ang reporma upang matiyak na tama ang paggamit ng pondo, at itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan bilang anyo ng katarungan para sa mga mahihirap.

Sa kanilang paninindigan, tiniyak ng mga obispo na hindi sila mananahimik, kundi’y makikibaka kasama ng mga naaapi, ilalantad ang katiwalian, at magsusulong ng tunay na pagbabago para sa bansa.

“We will stand with the poor, we will expose corruption, and we will work for national transformation.”

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 8,396 total reads

 8,396 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 30,001 total reads

 30,001 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 90,499 total reads

 90,499 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 111,178 total reads

 111,178 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 191,833 total reads

 191,833 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 292,026 total reads

 292,026 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top