Ayusin ang prayoridad ng lipunan sa pangangalaga sa kalikasan, hamon ng Obispo sa gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,759 total reads

Nanawagan si Borongan Bishop Crispin Varquez sa mga mananampalataya at pamayanan na muling ayusin ang prayoridad ng lipunan sa pangangalaga ng kalikasan, kasabay ng pagdiriwang ng Season of Creation 2025.

Sa kanyang pastoral statement, binigyang-diin ng obispo na dapat ilagay sa wastong pagkakasunod-sunod ang pinahahalagahan ng tao–una, ang pangangalaga sa daigdig, ikalawa, ang lipunan, at pangatlo lamang ang ekonomiya.

Binatikos ni Bishop Varquez ang labis na pagpapahalaga sa ekonomiya na nagiging sanhi ng pagsasantabi sa karapatan ng kalikasan at mga apektadong pamayanan, bagay na humahantong sa matindin pinsala sa kapaligiran at lipunan.

“Let us wake up to the truth that the wrong prioritizing of the economy has led to the degradation, even destruction of much of the earth’s resources. It has also divided peoples and nations into rich and poor. It has consequently deeply wounded the harmony between creation and humankind and between nations themselves,” pahayag ni Bishop Varquez.

Bilang halimbawa, ibinahagi ng obispo ang karanasan ni retired astronaut Ronald John Garan, na namangha sa kagandahan ng daigdig mula sa kalawakan dahil sa kawalan ng hangganan at pagkakahati-hati.

Ngunit, nang bumalik ito sa lupa, agad nasaksihan ni Garan ang muling pagkakahati ng mundo dahil sa pulitika, kapangyarihan, at maling pagpapahalaga na inuuna ang ekonomiya higit sa lahat.

“Nations are in conflict basically because the order or hierarchy of priorities at work is wrong. Mankind at present ranks the economy as first in the order of priorities. This is wrong because it puts our planet in danger due to the insatiable human greed that also victimizes the poor,” ayon kay Bishop Varquez.

Kaugnay nito, ipinaalala rin ni Bishop Varquez ang mga aral ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, na nagpapaalala na ang mundo ay nag-iisang tahanang dapat pangalagaan laban sa banta ng konsumerismo at mapaminsalang pag-unlad.

Hinikayat ng obispo ang lahat na gisingin ang kamalayan, ituwid ang maling pananaw, at manalangin upang maisabuhay ang kalooban ng Diyos sa tamang paggamit at pangangalaga ng mga likas na yaman.

“The Creator of the universe handed to humans the earth to cultivate and preserve (Gen 2:15), not to abuse or destroy. From time to time he commands that the land itself be given rest and not abused (Lev 25:1-7),” saad ni Bishop Varquez.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 41,289 total reads

 41,289 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 37,266 total reads

 37,266 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 71,944 total reads

 71,944 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 173,764 total reads

 173,764 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 214,323 total reads

 214,323 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 233,394 total reads

 233,394 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 135,578 total reads

 135,578 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top