Access to Justice Ministry, inilunsad ng Diocese of Kalookan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,869 total reads

Naglunsad ang Diyosesis ng Kalookan ng ‘Access to Justice Ministry’ upang isulong ang pagkakaroon ng katarungang panlipunan para sa lahat.

Naganap ang launching sa bagong ‘Access to Justice Ministry’ sa pamamagitan ng banal na misa na pinangunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa San Roque Cathedral Parish kasabay ng paggunita ng Feast of Creation in Christ at paggunita sa 10th anniversary ng Laudato Si ngayong ika-7 ng Setyembre, 2025.

Ayon sa Cardinal, layunin ng panibagong tanggapan na isulong ang adhikain ng Simbahan na makamit ng bawat mamamayan lalo’t higit ng mga mahihirap ang katarungang panlipunan.

“Minabuti natin dito sa Diocese of Kalookan na ilunsad ang ating Access to Justice Ministry. Kaya inimbita ko sa Misang ito ang mga volunteer lawyers at paralegals. Ito’y upang matiyak na kahit ang pinakamahirap ay magkaroon ng pantay na pagkakataon na marinig at maipagtanggol kapag inaresto o isinakdal.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal David.

Nanawagan ang Cardinal sa bawat isa na pakinggan ang panaghoy ng kalikasan at ang daing ng mga mahihirap kung saan muli nitong kinundina ang patuloy na katiwalian sa pamahalaan lalu na sa korapsyon sa flood control at reclamation projects na nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan at pagbaha sa tuwing bubuhos ang malakas na pag-ulan.

Iginiit ng Cardinal na nakamamatay ang patuloy na korapsyon at pananamantala sa kalikasan at muling inalala ang sinapit ng binatang si Gelo na kapwa biktima ng katiwalian at kawalang katarungan sa lipunan.

Binigyang diin rin ni Cardinal David na ang pagsira sa kalikasan ay maituturing din na pananakit at pagsugat sa mismong katawan ni Hesus na inialay ang kanyang buhay para sa katuparan ng buhay na walang hanggan ng Panginoon sa sangkatauhan.

“Ang mga kalye natin ay naging parang bitag ng kamatayan. Idagdag pa ang mga iresponsableng mga reclamation projects na lalong nagpasikip sa daluyan ng tubig papalabas sa Manila bay, at ang pag-convert sa mga palaisdaan sa Navotas bilang mga tambakan ng basura ng buong Metro Manila. Lahat ng mga proyektong ito ay nakakalusot sa mga ahensya ng gubyerno—madaling makakuha ng environmental clearance sa DENR at permit sa LGU, kahit walang tunay na konsultasyon sa mamamayan. Kaya’t sa araw na ito, mahalang paalala ang kwento ni Gelo: ang korapsyon at pananamantala sa kalikasan ay nakamamatay. Greed destroys both the poor and our planet.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Sa ilalim ng bagong ‘Access to Justice Ministry’ ng Diyosesis ng Kalookan ay magkakaloob ang diyosesis ng libreng legal na pag-agapay sa lahat ng mga mangangailangan ng tulong na usaping legal.
Matatandaang mariin ang paninindigan ni Cardinal David na siya ring pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay sa pagkakaroon ng patas na katarungang panlipunan para sa lahat lalo’t higit para sa mga mahihirap na walang sapat na kaalaman at kakayahang pinansyal na ipagtanggol ang kanilang sariling mga karapatan mula sa iba’t ibang uri ng kawalang katarungan at hindi patas na pagtrato sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 119,540 total reads

 119,540 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 152,869 total reads

 152,869 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 185,013 total reads

 185,013 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 251,076 total reads

 251,076 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 262,636 total reads

 262,636 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top