Sa gitna ng COVID-19 pandemic, kumikita pa rin ang mga Discaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,419 total views

Pinuna ni Deputy Speaker Janette Garin ng Iloilo ang tuloy-tuloy na paglaki ng kita ng mga kumpanya ng mag-asawang Pacifico at Sarah Discaya, maging sa panahon ng Covid-19 pandemic.
Ang mag-asawang Discaya ay ang may ari ng St. Timothy Construction Corp. at siyam na iba pang construction firm na bahagi ng iniimbestigahan ng Kamara at Senado dahil sa ghost at substandard infrastructure at flood control projects ng pamahalan.
Ayon kay Garin, ang paglago ng kita ng mag-asawa ay sa kabila ng pandaigdigang pagbagsak ng ekonomiya, kabilang na ang Pilipinas na dulot ng epekto ng pandemya.

Batay sa financial statements na isinumite sa Securities and Exchange Commission (SEC), umabot sa ₱11.58 bilyon ang kita ng Discaya group mula sa gobyerno noong 2020. Sumunod ang ₱16.07 bilyon noong 2021, at ₱20.52 bilyon noong 2022. Noong 2023, nanatili sa mataas na antas ang kita na ₱18.62 bilyon.

Ayon kay Garin, kasabay ng pagtaas ng kita ng mga kumpanya ang malawakang kahirapan sa bansa at hindi sapat na suweldo ng mga healthcare workers, na naglalarawan ng matinding kaibahan sa pagitan ng lumalaking yaman ng ilang pribadong kumpanya at ng hirap ng ordinaryong Pilipino dulot ng pandemya.

“Ito ang panahon na marami ang nawalan ng trabaho, marami ang uncertainties, marami ang namatay, marami ang lumubog sa utang dahil napakamahal ng testing sa Pilipinas,” wika ni Garin.

Dagdag niya: “Ito rin ang panahon na ang ating healthcare workers ay hindi naswelduhan ng tama. Pero ang Discaya group of companies, ang revenue nila from government ay P11.583 billion [in 2020].”

“Of course, with due courtesy to Mr. Discaya, siguro they took advantage of a situation,” ayon kay Garin.

Taong 2020-sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang maranasan ng bansa ang matinding hamon sa kalusugan, at ekonomiya, kung saan ang nagpatupad ng lockdown at quarantine measures sa buong bansa upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 na naging dahilan kung bakit maraming negosyo at trabaho ang naapektuhan, kabilang na ang pagtaas ang bilang ng mga mahihirap at nawalan ng hanapbuhay.

Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang 7.3 milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho sa Pilipinas noong Abril 2020 dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic. Ang bilang na ito ay nagresulta sa pinakamataas na antas ng 17.7% unemployment rate sa kasaysayan ng bansa

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 80,553 total views

 80,553 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 98,453 total views

 98,453 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 145,019 total views

 145,019 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 131,953 total views

 131,953 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 147,416 total views

 147,416 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

The numbers, the documents cannot lie!

 4,235 total views

 4,235 total views Iginiit ni dating senador Antonio Trillanes IV na mahalagang matuloy ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte upang tuluyang masuri ng

Read More »
Scroll to Top