RVA at FABC, maglulunsad ng International Short Film Contest para sa ika-10 Anibersaryo ng Laudato Si’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,608 total reads

Ilulunsad ng Radio Veritas Asia (RVA) at Federation of Asian Bishops’ Conferences–Office of Social Communications (FABC-OSC) ang isang International Short Film-Making Competition bilang bahagi ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng ensiklikal na Laudato Si’ ng yumaong Papa Francisco.

Ito ang Laudato Si’: Care for Creation Filmmaking Contest, na layong itaas ang kamalayan ng publiko, lalo na sa Asya, tungkol sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng maiikling pelikula.

Sa temang Environmental Advocacy in Asia: Translating the Vision of Laudato Si’ into Care for Our Common Home, pagtutuunan ang kultura at kagandahan ng kalikasan, maging ang mga hamon ng deforestation, polusyon, climate change, at sapilitang paglisan ng mga pamayanan dahil sa mga sakuna.

“This contest aims to amplify voices and stories that highlight both the beauty of creation and the pressing environmental challenges we face… The theme calls for ecological conversion and urges individuals and communities to take meaningful, transformative action toward environmental stewardship,” ayon sa post ng RVA.

Inaanyayahan ang mga filmmaker, estudyante, youth groups, social communications ministries, environmental advocates, at iba’t ibang organisasyon sa Asya na lumikha ng tatlo hanggang limang minutong original short film na nasa wikang Ingles o may kasamang English subtitles. Dapat nasa 1920×1080 pixels resolution ang entry, at isang pelikula lamang ang maaaring isumite ng bawat kalahok.

Magkakaloob ng USD 1,000 para sa 1st prize, USD 800 para sa 2nd prize, at USD 500 para naman sa 3rd prize.

Habang sampung finalists naman ang makakatanggap ng tig-USD 100 bilang consolation prize, at lahat ng makakapagsumite ng kwalipikadong entry ay tatanggap ng certificate of recognition.

Susuriin ang mga kalahok batay sa kaugnay sa tema ng Laudato Si’ sa konteksto ng Asya, creativity and originality, technical quality, epekto sa damdamin at lipunan, at linaw ng mensahe at panawagan sa pagkilos.

Iaanunsyo naman ang mga mananalo sa December 10, 2025.

Ang deadline ng submission of entries ay sa November 10, 2025, alas-11:59 ng gabi, Philippine Time.

Para sa mga nais lumahok, maaaring bisitahin ang Facebook page ng Radio Veritas Asia o magpadala ng e-mail sa [email protected].

Mga Pari, mensahero ni kristo

 6,997 total reads

 6,997 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 20,575 total reads

 20,575 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 61,136 total reads

 61,136 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 88,087 total reads

 88,087 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 136,352 total reads

 136,352 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 157,509 total reads

 157,509 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,776 total reads

 128,776 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top