Bishop Bagaforo, pangungunahan ang banal na misa bago ang kilos-protesta sa EDSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,608 total reads

Pangungunahan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo at isa sa mga convenor ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) ang pagdiriwang ng Banal na Misa bago ang nakatakdang “Trillion Peso March” sa darating na Linggo, Setyembre 21, 2025, bilang sama-samang pagkilos laban sa sistematikong korapsyon sa bansa.

Nakatakda ang Banal na Misa ganap na ika-10:30 ng umaga sa National Shrine of Mary, Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine.

Ayon sa CLCNT na binubuo ng mga lider ng iba’t ibang mga denominasyon na nag-organisa ng malawakang pagkilos, mahalaga na bukod sa kilos protesta ay sabayan ito ng taimtim na pananalangin upang ipahayag na sa kabila ng pagkakaiba, ang bawat Pilipino ay nagkakaisa para sa katotohanan, katarungan, at pananagutang panlipunan.

“In addition to the public demonstration, all Filipinos—regardless of religion or faith tradition—are called to offer a special prayer for the nation on September 21, emphasizing that “beyond our differences, we are all Filipinos united for truth, justice, and accountability.” As part of the nationwide observance, Most Rev. Colin Bagaforo, president of Caritas Philippines, will preside over a Holy Mass at 10:30 a.m. at the EDSA Shrine.” Bahagi ng pahayag ng CLCNT.

Muling hinikayat ng CLCNT ang lahat na magsuot ng puti o magtali ng puting laso na tanda ng pagkakaisa at tahasang pagtutol sa katiwalian.

Tema kilos-protesta ang sigaw ng bayan na nagpapahayag ng galit sa katiwalian at pagpapakulong at pagpapanagot sa mga korapsyon sa pamahalaan.

“On September 21, 2025 (Sunday), Filipinos from all walks of life are urged to take part in the Trillion Peso March, a nationwide call for unity against corruption. Organizers are inviting the whole nation to wear white shirts or clothes and/or tie white ribbons as symbols of protest and solidarity, declaring together: “Galit tayo sa korapsyon! Tama na, sobra na… Ikulong na!” This collective action will be manifested through simultaneous protest gatherings at Luneta Park and the EDSA People Power Monument.” Dagdag pa ng CLCNT.

Ayon sa CLCNT, ang Trillion Peso March ay sagisag ng sama-samang tinig ng mamamayan laban sa kawalan ng pananagutan ng mga tiwaling opisyal at sa malalim na sugat na dulot ng kultura ng kawalan ng pananagutan o impunity sa bansa.

“The Trillion Peso March echoes the collective cry of the people: to hold the corrupt accountable, to end the culture of impunity, and to uphold the dignity and integrity of the Filipino nation.” Ayon pa sa CLCNT.

Ang Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument ang magsisilbing pangunahing sentro ng mga pagkilos laban sa katiwalian sa ika-21 ng Setyembre, 2025 kung saan ilang mga diyosesis at organisasyon din sa iba pang bahagi ng bansa ang nakatakdang magsagawa rin ng pagkilos sa parehong araw upang kundinahin ang patuloy na katiwalian sa kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 23,956 total reads

 23,956 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 61,249 total reads

 61,249 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 79,460 total reads

 79,460 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 163,788 total reads

 163,788 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 200,048 total reads

 200,048 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,592 total reads

 37,592 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top