Bulakenyo, nanindigan laban sa talamak na katiwalian sa lalawigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,352 total reads

Nagkaisa ang mga Bulakenyo laban sa talamak na katiwalian kaugnay ng multi-billion-peso flood control projects sa lalawigan.

Sa isang kilos protesta mula sa makasaysayang Barasoain Church patungong Bulacan Capitol Forest Park, ipinanawagan ng mga simbahan, akademya, at iba’t ibang sektor ng lipunan ang pananagutan ng mga tiwaling opisyal na sangkot sa maanomalyang proyekto.

Ayon kay Kalookan Bishop Emeritus at Ecumenical Bishops Forum Member-at-Large Deogracias Iñiguez Jr., mahalagang magkaisa ang mamamayan lalo na’t sentro ng imbestigasyon ng Kongreso ang Bulacan.

“Ang taumbayan ang bumubuo ng lipunan at ng simbahan. Dapat gamitin natin ang pananampalataya at paninindigan upang labanan ang katiwalian at maling paggamit ng pondo ng bayan,” ani Bishop Iñiguez sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag naman ni Bulacan Ecumenical Forum President at rector ng Diocesan Shrine of San Isidro Labrador – Pulilan Msgr. Dario Cabral, hindi sapat ang pagdarasal at pagsisimba lamang sa gitna ng katiwalian.

“Panahon na upang lumabas sa mga lansangan at ipanawagan ang katarungan at pananagutan. Mas malakas ang sama samang tinig ng mamamayan laban sa kasalanan ng ilan,” pahayag ni Msgr. Cabral sa Radyo Veritas.

Dismayado ang pari sa sistemikong katiwalian kung saan tinaguriang “ground zero” ng korapsyon ang tahimik na lalawigan ng mga makata at bayani.

“Hindi sanay sa rally ang Bulakenyo, ngunit makabuluhan ang kanilang pagkakaisa ngayon laban sa katiwalian. Ito yung spirit of synodality, lahat tayo ay humakbang tungo sa katotohanan at katarungan sa pag-iral ngkabutihan at kalooban ng Diyos,” giit ng pari.

Kabilang sa mga panawagan ng mga nagprotesta ang pagtigil sa reklamasyon sa Manila Bay na nagpapalala ng pagbaha at sumisira sa kabuhayan ng mga mangingisda.

Batay sa datos ng pamahalaan, mula sa mahigit kalahating trilyong pisong pondo para sa flood control projects sa buong bansa, ₱98 bilyon ang inilaan sa Central Luzon, at pinakamalaki rito ang ₱44 bilyon para sa Bulacan.

Ayon pa sa ulat ng DPWH, kabilang ang Bulacan sa sampung lalawigang may pinakamaraming flood control projects, na aabot sa 668.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng pamahalaan ang ilang dating opisyal ng DPWH First Engineering District ng Bulacan, kabilang sina Engineer Henry Alcantara at Assistant Engineer Brice Hernandez.

Naganap ang pagkilos noong Setyembre 19, dalawang araw bago ang inaabangang “Trillion Peso March” sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 16,627 total reads

 16,627 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,498 total reads

 54,498 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 72,708 total reads

 72,708 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,037 total reads

 157,037 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,635 total reads

 193,635 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,171 total reads

 2,171 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top