Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi sapat ang pagsisisi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 86,237 total views

Mga Kapanalig, sapat ba ang pagsisisi upang matuldukan ang katiwalian sa bansa? 

Kahapon, libu-libo ang nakilahok sa mga protesta laban sa katiwalian sa flood control projects. Hindi lang pagsisisi ang panawagan nila.

Naging paksa ng debate noong isang linggo ang kontrobersyal na pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano sa kanyang social media page. Aniya, lahat daw tayo ay guilty sa paggawa ng mali gaya ng pagbili at pagbenta ng boto, pandaraya, pagsisinungaling, at pagnanakaw. Lahat daw tayo ay nagkakasala, pero ang mahalaga ay nagsisisi tayo. 

Maraming bumatikos sa pahayag na ito ng senador. Kulang daw ang pagsisisi lamang. Kahit ang kapatid ng senador at dating mayor ng Taguig City na si Lino Cayetano ay hindi sumang-ayon sa kanya. Ang mga ganitong pahayag daw ng mga trapo (o traditional politicians) ang nagtutulak sa taumbayan na magalit. Hindi siya naniniwalang likas sa mga Pilipino ang magnakaw, bumili ng boto, at magsinungaling. Lalo naman daw na hindi solusyon ang pagsisisi lamang. Nanawagan ang kapatid ni Senador Cayetano na huwag gawing normal ang katiwalian. Dapat daw natin itong labanan. 

Nag-react din si Senador Ping Lacson na bagong chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee na nagsasagawa ng mga pagdinig kaugnay ng katiwalian sa mga flood control projects. Sabi ng senador, may mga kilala daw siyang mga opisyal ng pamahalaan na nagnakaw, nagsisi, nagnakaw ulit, at muling nagsisi. Paulit-ulit ang pagsisisi, paulit-ulit din naman ang pagnanakaw. Samantala, naghihirap ang taumbayan. 

Dahil sa mga batikos na natanggap, nilinaw ng opisina ni Senador Cayetano ang kanyang sinabi. Gusto lang daw bigyang-diin ng senador na mahalagang hakbang ang pagsisisi sa pagbabago. Gayumpaman, hindi raw dapat ito gawing “excuse” o palusot para gawing normal ang pagnanakaw. Dapat daw sundan ang pagsisisi ng pagpapanagot.  

“Huwag kang magnanakaw.” Paalala ito mula sa sampung utos ng Diyos na mababasa natin sa aklat ng Exodo. Ito ang utos na tahasang sinuway ng mga kontratista at kawani ng pamahalaang sangkot sa katiwalian sa mga flood control projects. Katulad ng sinasabi ng mga panlipunang turo ng Simbahan, ang katiwalian ay isang anyo ng pagnanakaw. Isa rin ito sa pinakamatitinding salot sa ating lipunan. Sinisira nito ang tiwala ng taumbayan sa mga institusyong inaasahang itaguyod ang katotohanan, katarungan, at kaunlaran. 

Sa kaso ng mga maanomalyang flood control projects, nakita natin kung paanong naging structural sin ang pagnanakaw. Ibig sabihin, hindi lamang isa o iilan ang nagkasala. Nagkuntsabahan ang mga pinuno ng ahensiya ng pamahalaan at maraming pribadong tao para magkamkam ng pera. Alam din nating campaign donors ng mga matataas na opisyal na gobyerno ang mga kontratistang nakakuha ng maraming flood control projects. Napakalalim at napakalawak ng pagnanakaw! Sa tindi ng kapit nito sa ating mga institusyon, hindi sapat ang pagsisisi lamang. 

Mga Kapanalig, umaabot ng trilyong piso ang sinasabing ninakaw ng mga tiwaling kontratista at mga opisyal ng pamahalaan sa mga flood control projects. Kung ginamit ito nang wasto, maraming ari-arian ang naisalba mula sa baha, maraming araw ng klase ang nagamit sana para matuto ang mga bata, at maraming buhay sana ang nailigtas. Kung hindi naman napunta sa flood control projects, nagamit sana ang pera para mas maraming magsasaka at mangingisda ang nabigyan ng suporta, mas maraming maralitang tagalungsod ang napagkalooban ng pabahay, at maraming pasyenteng nakatanggap ng libreng gamot. Ang ninakaw na kaban ng bayan ay direktang pagnanakaw mula sa taumbayan.

Kaya kagaya ng sigaw sa mga protesta noong Linggo sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, panagutin ang mga magnanakaw, isauli ang nianakaw nila sa kaban ng bayan, at ibigay ang nararapat sa taumbayan! Hindi sapat ang pagsisisi! 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 7,814 total views

 7,814 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 75,302 total views

 75,302 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 96,367 total views

 96,367 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 119,150 total views

 119,150 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 156,191 total views

 156,191 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

APAT NA DEKADA

 7,815 total views

 7,815 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 75,303 total views

 75,303 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 96,368 total views

 96,368 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 119,151 total views

 119,151 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »
Scroll to Top